Yeng Guiao AYAW ISAMA si Kai Sotto sa FIBA World cup

Articles


Yeng Guiao ayaw isama si Kai Sotto sa FIBA
World Cup. Ayon kay Yeng Guiao pahihinugin niya muna
si Kai sotto. Isa si Kai Sotto sa inaabangang atleta mula
sa bansa na gumagawa na ng marka sa internatio­nal scene. Ngunit gayunpaman, hindi pa rin mamadaliin
ni Team Pilipinas head coach Yeng Guiao ang pagpapahinog ng 16-anyos. Papalapit na ang pakikipagtagisan ng Pilipinas
sa mga bigating koponan sa buong mundo sa 2019 FIBA World Cup, simula Agosto ngayong
taon ay haharapin ang mga top-ranked team tulad ng Serbia, Italy at Angola. Hindi kaila na salat sa tangkad ang mga Pinoy
pagdating sa basketball, posibleng mga 7-footer ang makaharap tulad nina Philadelphia 76ers
giant Boban Marjanovic at Denver Nuggets star Nikola Jokic. At kahit bagito pa si Kai, sa tangkad na 7-foot-3
ay paniguradong makakatulong ito para matapatan ang ilang higante sa World Cup, ngunit para
kay Guiao, mas makabubuti para sa binata ang maghasa pa bago sumabak kasama ang mga kuya. Sa ngayon bilang pagsasakatuparan ng NBA dream,
pinili ni Sotto na lisanin ang Pilipinas at magsanay abroad, na sinimulan na ang ensayo
sa Atlanta para patuloy pang ma-improve ang kanyang laro. Bukod pa dito, inaasahan din na sasabak si
Kai sa 2019 FIBA Under-19 World Cup sa Heraklion, Greece sa parating na Hunyo. Ang Trainer mismo ni kai sotto
ay ang nag train kay Andray Blatche, ang personal trainer na si Rory Jones. Maalalang sinabi ni Kai sotto na Maglalaro
pa rin siya sa Gilas wala na siya sa Pilipinas. Iyan ang ipinangako ng kanyang ama na si Ervin
sa kabila ng nalalapit na US training ni Sotto sa Atlanta. Dalawang buwang maglalagi ang 7’2 teen tower
na si Kai sa US sa ilalim ng gabay ng kanyang agent na si Chao Espaldon ng East West Private
agency. Ayon kay Ervin, nauna nang napag-usapan at
napagkasunduan ng kanilang panig na una sa lahat ay ang national team commitment ni Kai
sa Batang Gilas ang top priority ng 16-anyos na high school player. “Sabihin ko sa inyo, bale sa kontrata na
pi-nirmahan namin ni Kai, or pipirmahan namin sa anumang club or sa US, no. 1 priority namin ang Gilas,” ani Ervin sa
ginanap na sendoff party ni Kai kamakalawa. “So anong oras man kailanganin ng Pilipinas
ang serbisyo ng anak ko, expect niyo, andoon ‘yung bata. Ano man, maglalaro ‘yang bata na ‘yan. Dream niya ‘yun eh. ‘Yun ang top priori-ty namin, lalo na si
Kai. Priority niya na maglaro para sa bayan natin.” Bunsod nito, sigurado aniyang matutulungan
ni Kai ang Batang Gilas na sasabak sa 2019 Under-19 FIBA World Cup sa darating na Hunyo
na siyang iskedyul din ng pagtatapos ng kanyang two-month US training. “As a former player, ang nakikita ko lang
na kulang niya is lakas ng katawan, competition at exposure.” dagdag pa ni Ervin. Subalit hindi ibig sabihin nito na wala na
sa eksena ang mga naturang international offers mula sa Europa tulad ng Baskonia, Barcelona,
Estudiantes at Real Madrid ng Spain gayundin ng ALBA Berlin mula sa Germany. Ayon kay Ervin, magpapalakas lang muna ang
anak sa U.S bago sila magdesisyon kung anong European ball club ang kanilang pipiliin. “Europe pa rin kasi ang pinakamagandang
daan para kay Kai para sa misyon nitong makatapak sa NBA sa 2021 o sa 2022 at hindi ang posibilidad
na manatili na lamang siya sa US para maglaro sa US NCAA. Kung marunong ka tumingin sa skillset ng anak
ko, mas maganda talaga na mag-train siya sa Europe. Makikita mo naman sa top ten big men sa NBA,
mostly mga fifty to sixty percent European,” paglilinaw ni Ervin. “Kahit si Kai tanungin mo, alam niya kung
san siya puwede mag-fit. Slim yung chance lang na mag- US NC siya.” kasalukuyang Kasamani kai ang kanyang amang
si Ervin sa atlanta.habang nakatakda namang sumunod ang kanyang ina na si Pamela gayundin
ang kanyang mga kapatid sa Mayo bago bumalik ang buong koponan sa bansa sa Hunyo kung kailan
inaasahang iaanunsyo na nila ang desisyon kung saan pupuntang European ball club si
Kai. Para kay Kai naman, saan man ang maging daan
ay sisiguraduhin niyang makakapunta niya sa kanyang pinal na destinasyon – ang NBA. “I really want to make it into the NBA,”
ani Kai. “No matter what happens, I’ll give my
best because that’s really my No. 1 goal and dream.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *