Terrence Romeo or Mark Barroca para sa FIBA World Cup

Articles


Kung kayo ang pipili sino kaya ang mas magandang
guard para sa GIlas Pilipinas. Si Terrence Romeo kaya o Si Mark Barocca. Kung sa Fiba stats ang titignan ay mas maraming
puntos at assist si Romeo kesa kay Barocca, pero dahil mas maraming naging Laro si Romeo
kesa kay Mark sa FIBA kaya hindi natin itong pwedeng gawing basehan. Pero kung ang PBA stats naman ang pababasehan
natin ay medjo lamang si Romeo sa Scores Per Game, pero halos parehas lang sila ni Barocca
sa Rebounds at Assist. Pero ano naman kaya ang tingin ng mga Netizens? May mga nagsasabing palagi daw wala si Romeo
sa training, meron din namang mga nagsasabing mas malakas ang shooting power nito kesa kay
Barocca. Maaring problema rin ang attitude ni Romeo
na pinakita nito sa PBA pero wala pa naman siyang pinakitang problema sa National Team. May ibang nagsasabi rin na si Romeo ang best
talent ng Gilasat kayang pumuntos ng 20 points sa isang laro. Pero may mga ilang problema si Romeo sa kanyang
mga Teammates sa PBA. Inamin ni Terrence Romeo na nalungkot siya
sa balitang lumabas na may ilan siyang dating kasama sa TNT na nagpetisyon na mapaalis siya
sa KaTropa. Sinabi ito mismo ni Romeo sa mga reporter
matapos ang unang praktis sa San Miguel Beermen kahapon. “Nasa mundo kami ng sitwasyon na hindi namin
hawak. Minsan puwedeng ibang tao ‘yung nagdesisyon
sayo, minsan pwedeng teammate mo ‘yung naninira sa ‘yo,” wika ni Romeo. “Basta maraming case na puwedeng maging
dahilan. Ang mahirap lang na part ang nakikita nila,
‘yung nababasa nila. Hindi nila alam ang tunay na dahilan.” dagdag pa niya. Kung kay Mark Barocca naman ang pag uusapan
ay maraming nagsasabing Humble sya at malakas ang never say die attitude niya. Malaki rin ang mga naitutulong niya sa team
play. Ilang beses narin siyang nakatikim ng championship
at nakakuha na rin siya ng MVP awards. Isa siya sa pinaka importanteng player ng
Magnolia. Sa interview kay Barocca ay sinabi niyang
maging siya ay nagulat sa kaniyang pagiging MVP. “Nagulat din ako kasi nga marami ding magaling
sa team,” “Wala na sa isip ko ang mag Most Valuable Player, ang sa akin lang ay manalo
kasi nga sobrang sarap manalo. Bonus na lang ang Most Valuable Player.” Sabi ni Barocca. “Kasi para sa akin, lahat kami pwede mag-Most
Valuable Player, So kami, noong nakuha namin ‘to, happy na ako. Nabigyan pa ako, mas happy na rin ako,” Dagdag
pa niya. “Sabi nga ni coach sa akin, lagi kong kausapin
ang mga junior ko. Kasi isa na rin ako sa mga seniors eh. So siguro ‘yung role na ‘yun, crucial yun
as a senior eh. Ganoon din sila James sa akin noong rookie
ako. Sinasabihan din nila ako, kaya tinatanggap
ko yung role na yun,” Si Barocca ay thirty two years old na ngayon. Mas matanda siya ng anim na taon kay Terrence
Romeo “Kami nila Paul Lee, nag-uusap lang kami kung
ano ang pwede naming gawin.” Base sa kaniyang mga interview ay makikita
naman talaga na si Mark Barocca ay isang humble at magaling na Team Leader. Ano pa man ang maging ng desisyon nga SBP. Malinaw naman ng ang dalawang player na to
ay malaki ang maiaambag sa National team at isa narin si Romeo sa mga Beterano ng FIBA. Gayunpaman, dapat parin nating suportahan
ang GIlas Pilipinas kahit sino pa man ang Piliin sa kanilang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *