Terrence Romeo Balak ng mag RETIRE sa Basketball

Terrence Romeo Balak ng mag RETIRE sa Basketball
ArticlesBlog


Sa anim na taon niya bilang professional basketball
player sa Philippine Basketball Association (PBA) ay ngayon pa lang makapaglalaro sa isang
championship series ang 27-anyos na si Terrence Romeo, ang five foot eleven” guard ng San
Miguel Beermen. Sa 2019 Philippine Cup Finals press conference
na ginanap sa Eastwood sa Libis, sinabi ni Romeo na championship na lang ang kulang sa
kanyang basketball career. Makakamit niya umano ang pinakaaasam na championship
kapag ang Beermen ang makasusungkit ng korona laban sa Magnolia Hotshots. “Ayun, excited pero syempre hindi ko naman
puwedeng isipin lang ‘yun palagi eh. S’yempre kailangan pa rin namin maglaro ng, ‘yun
nga, game, kumbaga best-of-seven so hindi pupuwedeng champion na kaagad,” aniya. “One game at a time. Tapos kung makukuha
namin ‘yun, kahit papaano nakuha ko na ‘yung pinakakulang para sa akin. I mean, kulang
na award para sa sarili ko. Tapos ‘yun, baka mag-retire na ko after. Hindi na ako
magbabasketbol, retire na kapag nag-champion kami. Isang championship lang,” sabi ng
first-timer sa kampeo­nato na si Romeo. Sa ilang taon niyang paglalaro sa PBA ay ilang
awards na rin ang nakamit niya kabilang ang Five-time All-Star, three-time scoring champion,
Most Improved Player, one-time Mythical First Team, at one-time Mythical Second Team. Pinaka-ultimate dream niya ang championship
at handa na raw siyang talikuran ang pagba-basketball kahit isang kampeonato lang ang matikman niya. gunit mukhang hindi pa naman buo sa isipan
niya ang pagreretiro sakali mang makasungkit siya ng championship. Pag-iisipan pa raw niya. “Pag-iisipan ko pa, pag-iisipan ko pa kasi
‘yun lang talaga ‘yung pinaka-dream ko eh… mag-champion sa PBA,” sabi niya. “Kasi wala nga akong championship simula
college days ko… high school days tapos nagtsa-champion ako kumbaga sa barangay lang,”
pabiro pa niyang idinagdag. Kung sakali mang ituloy nya ang kanyang retirement
plan ay mawawalan na isang mahusay na player ang PBA at Gilas Pilipinas, Pero hanggang
ngayon ay wala parin pahayag si Coach Yeng kung kasali ba si Terrence romeo sa Pool ng
Gilas Pilipinas. Maalalang sinabi ni Terrence Romeo noon na umaasa pa siyang makapag laro
sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World chup sa China. Pwede na ulit maglaro sa Gilas Pilipinas si
Terrence Romeo dahil tapos na ang ban nito sa FIBA noong nakipag suntukan siya sa mga
players ng Australian Boomers. Ang problema nga lang ay wala pang go signal na binibigay
ng SBP sa kanya. Wala pang pahayag ang SBP kung sino ang mga players na paglalaruin nila
sa Gilas, pero sana nga ay makapag laro si Terrence Romeo. So, Balik naman tayo sa Finals ng PBA. Hangad ng Beermen ang ikali­mang sunod na
titulo sa Philippine Cup kontra sa Hotshots. “Gusto namin manalo. Hindi kami magbibigayan. Nandito kami para
makakuha ng championship kasi hindi naman na babalik yung moment na ito,” sabi naman
ni June Mar Fajardo sa banggaan nito sa sister team na Magnolia. Kapwa hangad ng dalawang kopo­nan na maipagpatuloy
ang kanilang makukulay na kasaysayan sa All-Filipino Cup kung saan hawak ng Magnolia ang pitong
sunod na pagtuntong sa kampeonato habang lima naman para sa mga Beermen kabilang ang kasalukuyang
pagtuntong nito sa kampeonato.

39 thoughts on “Terrence Romeo Balak ng mag RETIRE sa Basketball

  1. Tama yang parinig Ni "Terence" SA totoo Lang gusto qu tlaga na makapag laru SI Terence SA national team e, magaling nman tlaga sya , assss innnn kitang Kita nman SA performance e, Sana lng makapag laru ulit #letsplayterence

    👍thumbs up if agree
    👎if not agree<—

  2. Oo nga kung hnd k npasama sa smb wla k mppatunayan. Yabang lng nkita ng manunuod sau. Yabang mo kc. Wla k nman binatbat naambunan klng nga championship ability ng smb players

  3. Maglaro ka nalang SA alab next season kasi nagretire na si urbiztondo. Sakto kapalit romeo kc San Miguel parin hawak nyan.

  4. Sunod nang sunod kasi ang bakla sa kanya eh.at ginagamit pa Ang social media mabuting tao kase to si tr7. Sakto yan idol betiwan muna yang pba career mo masesera lang ang pagkatao mo dyan.suporta ako sayo idol.

  5. Terrence go to abroad sa international la pumunta I wish them make sure na papahalagahan ka nila di ka bash

  6. Hindi naman siguro. Hindi naman siguro ganon kaserious un. bka sinasabi lng nya yon kasi un nga dream nya. Focused sya manalo. After non baka hndi naman mafinal kc kitang kita naman na masaya sya kapag naglalaro. Hahanapin nya yan. Bata ka pa terrence. And pwede ka pa ulit sa gilas.

  7. Sabi nga nila once makuha mo na dream mo ay mangarap ka ulit ng iba. Mahaba pa ang career mo at naniniwala aq makakasama mo pa si kai Sotto sa fiba and sana mapachampion m gilas sa asian games

  8. hehehe!!! so you mean that nangchampion k lng sa mga paliga sa Barangay nyo noong bata ka pa? hmm… di nakapagtataka since ang laruan mo e pang one on one. Now k lng makkapagchampion since nahiya k n sa mga kakampi mo now sa SMB na mas matindi pa sayo in terms of talent and attitude. I think its better nga kung magretire k n nga. i have no respect to some one that disrespect his teammates and coachers and nagpipiling magaling. Pringle is much better than you. Remenber that

  9. Magretiro cguro c idol sa pba hindi sa basketball,ooperan yan ng malaki either sa mpbl or alab dun lalo sya sisikat,maganda sana sa alab kc iba ibang bansa makakalaban mo idol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *