SALAMAT Dahil MAGLALARO parin si Kai Sotto para sa Gilas | FIBA World Cup U19

SALAMAT Dahil MAGLALARO parin si Kai Sotto para sa Gilas | FIBA World Cup U19
ArticlesBlog


Kai Sotto maglalaro pa rin sa Gilas
Maglalaro pa rin si Kai Sotto sa Batang Gilas kahit pa nakatakda na itong lumipad pa-US
sa susunod na linggo. Iyan ang ipinangako ng kanyang ama na si Ervin
sa kabila ng nalalapit na US training ni Sotto sa Atlanta, Georgia na magsisimula na sa Abril
1. Dalawang buwang maglalagi ang 7’2 teen tower
na si Kai sa US sa ilalim ng gabay ng kanyang agent na si Chao Espaldon ng East West Private
agency. Ayon kay Ervin, nauna nang napag-usapan at
napagkasunduan ng kanilang panig na una sa lahat ay ang national team commitment ni Kai
sa Batang Gilas ang top priority ng 16-anyos na high school player. “Sabihin ko sa inyo, bale sa kontrata na
pi-nirmahan namin ni Kai, or pipirmahan namin sa anumang club or sa US, no. 1 priority namin
ang Gilas,” ani Ervin sa ginanap na sendoff party ni Kai kamakalawa. “So anong oras man kailanganin ng Pilipinas
ang serbisyo ng anak ko, expect niyo, andoon ‘yung bata. Ano man, maglalaro ‘yang bata
na ‘yan. Dream niya ‘yun eh. ‘Yun ang top priori-ty namin, lalo na si Kai. Priority
niya na maglaro para sa bayan natin.” Bunsod nito, sigurado aniyang matutulungan
ni Kai ang Batang Gilas na sasabak sa 2019 Under-19 FIBA World Cup sa darating na Hunyo
na siyang iskedyul din ng pagtatapos ng kanyang two-month US training. Magugunitang sa pangunguna ni Kai ay nakarating
sa World Cup ang Batang Gilas matapos pumang-apat sa ginanap na 2018 FIBA Asia Under-18 Championship
noong nakaraang taon sa Nonthaburi, Thailand kung saan siya ang tinanghal na best center
sa Asya. Naka-iskedyul ang FIBA U19 World Cup sa Heraklion,
Greece mula Hunyo 29-Hulyo 7 Dahil sa tikas at tangkad ni Kai Sotto, talagang
maihahalintulad nga ang basketball star sa Chinese giant na si Yao Ming. Hindi maipagkakaila na sa murang edad ay marami
nang naabot si Sotto. Kaya’t hindi maalis sa isipan ng maraming
Filipino ang ikumpara ang Pinoy pride sa Chinese great na si Yao Ming.
Si Kai Sotto nga ba ang bagong star ng basketball sa Asya? At susundan nga ba niya ang yapak
ng Chinese basketball star sa NBA? Ipinanganak noong May 11, 2002 si Kai Sotto,
panganay na anak ni professional Filipino basketball player Ervin Sotto. Hindi na nasorpresa ang basketball fans nang
tahakin rin ni Kai ang mundo ng basketball. Apat na taong gulang nang magsimulang magdribol
at mag-shoot si Sotto. At sa edad na 13 ay may taas na siyang 6’9”
at doon ay pinasok na siya sa Ateneo Junior High School sa Manila. Pinarangalan si Kai ng junior title at MVP
award sa 2018 UAAP dahil sa magandang performance nito sa Blue Eaglets basketball team. Doon ay nagbigay siya ng maraming oras sa
pag-ensayo at mas pinagtuunan ng pansin ang kaniyang bilis sa basketball court. “My height affects my speed whenever I switch
positions with the guards,” sabi ni Sotto. Hindi rin nagpatinag si Sotto sa international
stage nang lumipad siya kasama ang Philippine nationals para sa 2018 FIBA U16 Asian Championship
sa China. Sa lahat ng laban ng Pilipinas kontra Asya,
naging top scorer si Sotto kaya’t itinanghal siya bilang tournament’s best player. Hindi lang tangkad ang mayroon si Sotto kundi
pati lakas at galing sa loob ng basketball court gaya ni Yao Ming kaya’t nakuha niya
ang atensyon ng NBA. Parehong nagsimula bilang sentro si Kai at
Yao at sa parehong ring edad sila nadiskubre ng kanilang bansa. Sa Junior camp na inorganisa ng American sports
league ay itinu­ring ng New Orleans Pelicans na espesyal na manlalaro ang batang si Sotto. Nagpakitang-gilas na rin si Sotto sa Impact
Basketball camp sa Las Vegas at nakalaro na ang NBA star na si LeBron James sa 2017 Manila
tour nito. Kabilang si Sotto sa national team’s 23
for 23 squad na sasabak sa 2023 World Cup. Matinding training ang kaniyang isinasagawa
para mauwi ang inaasam na mga cham­pionship sa Ateneo maging sa Pilipinas. “You can expect from me to get better and
better. I won’t settle for a mediocre performance. I want to be all-out in every game and play
with unceasing heart”.

9 thoughts on “SALAMAT Dahil MAGLALARO parin si Kai Sotto para sa Gilas | FIBA World Cup U19

  1. Kai Sotto assures PH team commitment despite overseas stint

    https://www.spin.ph/basketball/fiba/kai-sotto-gilas-pilipinas-national-team-fiba-under-19-world-cup-a795-20190326

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *