PBA AYAW MAGPAHIRAM NG PLAYERS SA GILAS PILIPINAS

PBA AYAW MAGPAHIRAM NG PLAYERS SA GILAS PILIPINAS
ArticlesBlog


Hindi na ikinokonsidera ng Samahang Basketbol
ng Pilipinas ang rekomendasyong isabak ang Gilas Pilipinas sa Jones Cup na idaraos mula
Hulyo 12 hanggang 21. Ayon kay SBP President Al Panlilio, tatama
kasi ang petsa ng Jones Cup sa kalendaryo ng PBA. Isa rin sa maaring dahilan ay ayaw ipahiram
ng mga team owners ang kanilang mga players dahil mawawalan sila ng mga magagaling na
players kung hahayaan pa nilang maglaro ang Gilas sa Jones cup. Maganda sana itong training at paghahanda
sa darating na FIBA World Cup, pero dahil tinutulan ito ng PBA ay hindi na ito mangyayare. Aniya, pinag-iisipan na nila na magsagawa
na lamang ng mga mini-tournaments o serye ng mga friendlies para sa national team. Una nang sinabi ni Gilas head coach Yeng Guiao
na interesado itong isabak ang national team sa Jones Cup bilang paghahanda para sa FIBA
World Cup. Inamin ni national basketball team head coach
Yeng Guiao na dismayado ito sa ilang naging pasya ng PBA kaugnay sa kanilang paghahanda
para sa FIBA World Cup. Bago ito, napagdesisyunan ng PBA Board na
huwag nang ikonsidera ang pagsabak ng Gilas Pilipinas sa Jones Cup. Lumabas din ang ulat na hindi umano sang-ayon
ang liga sa paglalaro ni naturalized center Andray Blatche bilang import sa Commissioner’s
Cup dahil sa ilang technical issues. Sa kabila nito, ayon kay Guiao na nauunawaan
niya kung bakit naging ganito ang kapasyahan ng PBA. Sinabi ng beteranong coach na maghahanap na
lamang daw ito ng win-win solution upang maresolba ang hinaharap nilang isyu. “Mukhang malabo yung Jones Cup dahil napakatagal
po noon,” paliwanag ni Guiao sa isang panayam sa radyo. “Almost 2 weeks iyon at medyo madi-disrupt
ang schedule ng PBA.” “‘Di naman pwedeng mag-suspend ulit ang
PBA games habang wala ang kanilang superstars.” Maging si Samahang Basketbol ng Pilipinas
president Al Panlilio ay nagsabing magiging malabo na payagan ang Gilas na makapaglaro
sa Jones Cup mula Hulyo 12-21 dahil mahirap umano ito ipasok sa calendar. Magugunita na kinailangan ng PBA na suspindihin
ang kanilang laban ng dalawang linggo para bigyang daan ang paglaban ng Gilas para sa
final window ng FIBA World Qualifiers. Samantala, binigyang diin naman ni Guiao ang
magiging kagandahan ng pocket tournaments dahil maaari umano silang mag-imbita ng pinakamagagaling
na team sa Asya at makipaglaro sa mga ito sa Pinas. “Mag-iimbita tayo dito ng malakas na teams
or pwede tayong mag-imbita ng ibang teams pa para sila ang makalaban natin dito,”
ani Guiao. “Maraming gustong makapaglaro dito sa atin Kumpiyansa si Gilas Pilipinas head coach Yeng
Guiao na sapat ang panahon ng national team upang maghanda para sa FIBA World Cup. Umaasa naman ang beteranong coach na makakasama
sa line-up sila Fil-Am guard Jordan Clarkson at naturalized center Andray Blatche. Samantala, ipinapaubaya na ni coach Guiao
sa Samahang Basketbol ng Pilipinas o SBP kung kukunin pa siya bilang mentor ng national
squad. Tanggap na ni Gilas Coach ang isyu hinggil
sa pagpapahiram ng magagaling na players sa bawat koponan sa PBA. Ayon kay Coach, noong una pa lamang ay alam
na nito na marami sa malalakas na manlalaro ay hindi nila naisasama sa national squad
sa kadahilanan ayaw itong palaruin ng kanilang mga mother club. Napag-alaman na ang nalalapit na FIBA World
Cup na gaganapin sa China ay malaking hamon para sa national team, importante pa rin daw
na ireview ng Gilas ang bawat team upang mapag-aralan ang mga koponan na kanilang makakalaban.

96 thoughts on “PBA AYAW MAGPAHIRAM NG PLAYERS SA GILAS PILIPINAS

  1. Yun ang pag kakamali nila nung nakaraan.. Nawalan tuloy sila ng market.. Di siguro nila alam na mas bigdeal sa mga pinoy yung national team…. Kung ang nba nga nag USA team nag sesent up ng mga pinaka elit player nila pride ng bansa pinag uusapan dun e

  2. Yun ang pag kakamali nila nung nakaraan.. Nawalan tuloy sila ng market.. Di siguro nila alam na mas bigdeal sa mga pinoy yung national team…. Kung ang nba nga nag USA team nag sesent up ng mga pinaka elit player nila pride ng bansa pinag uusapan dun e

  3. Kaya d tau umaangat sa rankings dahil sa mga ganyang desisyon , PBA LANG YAN mas importante ang NATIONAL TEAM , wala nang asenso kung palaging ganyan .

  4. pero sasabihin ni coach yeng sa tv abangan nalang natin sa twitter saan man yang social media kung sino sasabihin ni coach yeng goodluck dahil mapupuno ng bashh yan hahahaha

  5. Back to the same issue…. These businessmen don't know a thing about sports. Whoever set that stupid height requirements, of all the leagues…tsk tsk.

  6. Hopefully, there's a pocket tournament vs Greece, Lithuania, Canada and Angola. These are solid teams that give our players a taste of the competition ahead

  7. Boycott PBA….wag n manood s PBA para maintndhan din nila….kaya hnd talaga naangat s rank ang pilipinas s basketball dahil s mga decision n d mgnda..

  8. Tama lang yan wag muna sumabak sa Jones Cup, kung willing talaga sila mag preparasyon para Fiba world Cup, sa Europe sila mag training kasi mataas ang level ng cmpettion don pag dating sa basketball. Maraming malalakas sa europe na team ganyan dapat kinakalaban nila para mas masanay na kahit malalaki kalaban makakasabay ang gilas lalo na pag dating sa World Cup

  9. Kaya mas madami pa nanunuod ng all-star s mpbl kesa s pba daig pa kau ng mpbl kau kelangan nio pang dumayo para madami manuod ng live smantalang mpbl s moa dami pa nanunuod

  10. Palibhasa mga mayayaman takot mawalan ng pera dahil sa kontrta ng mga player wag nalng manood ng pba

  11. yung mga national team player kasi na orig gilas pinasok nila sa pba ngayon ayaw ipahiram hahaha.. mga swapang kaya nilalangaw liga nyo eh bigyan nyo ng chance yung mga player ma represent ang bayan isa pa todo suporta mga pilipino kpg may laro ang gilas..

  12. AU's LNG yan madami gusto mag represent maging player ng gilas anjan cla Jordan clarson remy martin Stephen holt at marami p HND cla kawalan

  13. BWESET N PBA YN DISMAYADO KMI MGA FANS S INYO, WLA NMN KMI PAKIALAM S PBA ANG IMPORTANTE SMIN FIBA, PRA DI MAAGRABYADO MGA TEAM S PBA PAG NAGLARO GILAS HALIMBAWA UNG SAN MIGUEL 3 PLAYER ANG MWALA DAPAT PALITAN NG 3 EUROPEAN UNLI HEIGHT PRA MALAKAS P DIN ANG TEAM

  14. Oh! Panahon pa ng kastila, hapon at amerikano itong issue na ito ha ha ha may bago ba? Boommm panesss. Paulit ulit lng nmn ang pag ka swapang nila kayo namn para kayong pina nganak kahapon pinag loloko lng tayo ng mga players at pba kaya nmn laging karma lagi tayong talo.

  15. Mas importante pa sa kanila ang pba na wala nmn kwenta…. sana ang pba hawak nlng sana ng goverment o kay manny pacquio… nlng sana ipahawak… kasi mas alam ni senator manny kong gaano kahala ang maging isang athleta… hndi tulad kapag mga business man ang hahawak wala tlga silang pakidyan ang mahalaga lang sila kikita at kikita lang..

  16. Kung hindi pala nag qualify ang pinas sa wolrd cup ngayon siguro lalong mababaon sa hukay ang PBA.Pasalamat sila PBA at nakapasok tayo kaya dapat ibuhos nila a itodo ang suporta sa National Team at baka sakali na bumalik ung dating sigla ng PBA. Para sa PBA team pagmamay ari nila mga player. Sana isipin nila na pagmamay ari din ng pilipinas ang mga PBA national player.

  17. Paki ayusin mo yung title mo bro. Sabi mo ayaw magpahiram ng pba player. Di sila pumayag na magpahiram ng player sa jones cup lang hindi sa fiba world cup. Dahil conflict sa pba schedule. Tsaka no bearing yan jones cup. Wala naman mapapala sa jones cup.

  18. Isali Nyo pa rin Ang Philippine Team sa Jones cup pero kumuha Kyo sa UAAP Team Nd sa PBA team para makaranas Ng international games Ang mga taga-uaap maraming nmn rin magagaling na player sa uaap ah

  19. Bakit sila magpapahiram? Edi natalo na sariling team nila?
    Ang PBA ay Business, ang habol nila ay pera ng mga fans, kaya hinde na to nakpag tataka

  20. The Jones cup is a good preparation for the team. Now if team put down. Walang sesihin kondi mga team owner ng pba. And give alot of reactions.

  21. College lang ang ipadala para magkaroon ng experience.. Para kng tym na nila mag represent D na kakabahan.. Invite na lang tayo ng malalakas na team pang tune up sa gilas.

  22. Mga bobo mganda nga pra mahasa ang mga players eh na exposed ang mga manlalaro laban pilipinas # syang ang talento

  23. Business na naman ang pba. Wala ng ganang manood puro pera ang sa isip ng pba team.. Sa mpbl nlang kayo kuha ng player sa jones cup..

  24. Ngaun dpt gamitin sila Paras ravena sotto at ung iba pang mga batang gilas Para Mas Lalo p silang lumakas

  25. Oo yun din yung naisip ko na kukuha sana tayo ng ibang team para may kalaban sa practice ang gusto kong kunin na team ang yung hindi na qualify sa World Cup katulad ng Jordan.

  26. PBA is for private businesses lang hindi pang masa.. malalaos lang lalo ang pba sa ginagawa nila..

  27. Tang ina monduterte inuutusan kita na pasara na ang pba,, hayop ka presidente ka wla lang nagagawa sa ganyan,,kung kay marcos yan baka pinugutan pa nang ulo may hawak sa pba,,tayong mga naka panood dito.kung totoong pinoy ka hindi ka plastik wag napo tayo manood nang pba tignan natin kung hangang saan sila,,asahan ko po ang mga totoong maka bansa dito..👊👊👊

  28. Pag samasamahin nyo na lang ung magagaling na banko ng pba at mpbl tapos ayun ang isabak nyo jan sa jones cups na yan

  29. wag na suportahan PBA sariling bansa hndi tolongan olol..kaya kunti na manonod sa inyo…yabang nio mag salita lalo c chua.

  30. Kya hindi ngiging successful ang layunin ng team gilas, hind nman aq nanonood ng pba, mganda MPBL dmi nanonood

  31. Mga pba players lipat na kayo sa maharlika

    Kupal ang pba dapat suportahan nila ang national team habang nandyan pa ang malalakas na player dadating ang panahon wla ng junmar
    Castro japet norwood blatche clarkson lassiter at iba pang main guners

    Bka ito na ang huling beses na makakalaro ang gilas sa world cup na may malakas na line up
    Bukod sa 2023

    Boycot PBA

  32. My Player for Fiba World Cup: 1. Andrey B. 2. JuneMar F. 3. 4. Jordan C. 5. Ray P. 6. Remy M. 7. Troy R. 8. Gabe N. 9. Terrence R. 10. Jayson C. 11. Marcio L. 12. Mark B.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *