Jordan Clarkson Pwede pala sa FIBA World Cup | UPDATE

Jordan Clarkson Pwede pala sa FIBA World Cup | UPDATE
ArticlesBlog


Isang Pilipino ang Cleveland Cavaliers
star na si Jordan Clarkson kung pagbabatayan ang ­Konstitusyon ng Pilipinas. Ito ang sinabi ni dating Pampanga congressman
at ngayon ay Philippine men’s basketball coach Joseller ‘Yeng’ Guiao bago pa man
makapaglaro ang dating Los Angeles Lakers guard sa National team sa nakaraang 18th Asian
Games. “As I’ve told you before, dapat natin na ipaglaban na maka­laro
bilang locals hindi lamang si Clarkson, kundi pati na sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle dahil sila ay purong
mga Pinoy,” sabi ni Guiao. Ipinaliwanag ni Guiao na nakasaad mismo sa
Konstitusyon ng Pilipinas na ang isang bata sakali man na may isang Pilipinong ama o ina
na kasal sa isang banyaga ay kinokonsidera sa batas na may dugong Pilipino at isang Pilipino.
“Pinoy sila kaya dapat sila na makalaro as locals,” sabi ni Guiao. Kakaiba ang isang naturalized na player na
talagang dayuhan at walang dugong Pilipino bagaman binigyan lamang ito ng karapatan na
makilala bilang isang Pilipino sa pamamagitan ng batas. Matatandaan na matagal nang ipinaglalaban ng Samahang
Basketbol ng Pilipinas na makikilala at mabigyan ng permiso ang Six-foot-Five Fil-American limang
taon na ang nakalilipas para bitbitin ang bandila ng Pilipinas. Isa pa sa kinokonsidera ni Guiao,
na nakapagpasa ng mara­ming batas bilang isang Kongresista, na si Clarkson, na ang
ina ay mula sa Angeles City, ay mayroon na mismo na Philippine passport sa edad pa lamang
na 12. Nagsumite na rin ang SBP noon pa 2015 ng mga dokumento sa
SBP na world basketball gover­ning body para nito mapatunayan ang pagiging Pilipino ni
Clarkson base sa isinasaad sa Konstitusyon subalit hanggang sa kasalukuyan ay walang
aksiyon ang FIBA. “Dapat talaga ipaglaban dahil nasa Konstitusyon naman natin
nakasaad ang pagiging Pilipino nila,” sabi ni Guiao. Pagpupursige na makuha si Clarkson para sa
Phl team, tahimik na gagawin sabi ni Manny Pangilinan.
Naniniwala si Samahang Basketball ng Pilipinas chairman Manny V. Pangilinan na mas magandang
maging tahimik muna ang lahat habang inaayos pa ang pagkuha kay Jordan Clarkson para makapalaro
sa Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup. Mas nais ni Pangilinan na hindi dapat ipakita
ng Gilas na agresibo silang makuha ang Cleveland Cavaliers player. Kabisado na niya ang ugali ng mga FIBA na
mas magandang maging tahimik kaysa gumawa ng ingay habang isinasagawa ang pagkuha ng
kasunduan. Nauna rito tiniyak ng SBP na makukuha nila
si Clarkson para makasama ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup na gaganapin sa China sa
buwan ng Agosto. Kasunod ng pagsampang muli ng Team Pilipinas
sa FIBA World Cup sa China sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15, umusok naman sa social media
ang #LetJordanPlay sa World Cup bilang panawagan sa FIBA na kilalaning bilang Pilipino
at hindi naturalized ang Cleveland Cavaliers star. Sinindihan pa mismo ni Clarkson ang
panawagang ito ng mga Pinoy basketball fan kasunod ng pag-apela rin ng Samahang Basketbol
ng Pilipinas sa FIBA kaugnay sa eligibility rules sa torneo. Nitong Martes ay binati ni Clarkson ang
Team Pilipinas matapos ang tagumpay sa Kazakshtan upang mapormalisa ang muling pagtuntong sa kada-apa­t
na taong basketball event. “Such a honor for the country, qualifyin­g
for the world cup, so hyped! hope to see you guys in china!,” sabi ng 26 taong
gulang sa kanyang Instagram post. Ang Pinoy basketball fans, agad na sumang-ayon na palaruin ng
FIBA si Clarkson sa pagamit ng Hashtag LetJordanPlay sa kanilang mga social media
post. Sabi ng mga Twitter users, “He should be
the face of that tournament. As early as now, FIBA should ease him into that role.” Ang iba naman ay hindi natututwa sa rules ng FIBA. “The
current FIBA rule is downright absurd. #LetJordanPlay,” aniya.
Hirit naman ng mga Filipino fans sa FIBA, payagang maglaro si Clarkson. “Make
it happen” Base sa rules ng FIBA, isang naturalized
player lamang ang papayagang maglaro. Si Andray Blatche na ang naturalized player ng
Team Pilipinas, habang si Clarkson, base sa rules ng FIBA ay nasa kategoryang natura­lized dahil nakakuha
lamang siya ng passport pagkalipas ng kanyang ika-16 na taon. Ito mismo ang iaapela ng SBP sa FIBA na pinaninindigang isang
Pinoy ‘by blood under local laws’ si Clarkson dahil mayroon na umano itong passport bago
siya mag-sixteen years old. CONGRATS to my bros and the country
such an honor for the country, qualifying for the world cup, so hyped! Hope to see you guys in China!” Ito ang post ni Cleveland Cavaliers star at Filipino-American
player Jordan Clarkson matapos mag-qualify sa ikalawang sunod na pagkakataon ang Team
Pilipinas sa FIBA World Cup sa China sa darating na Agosto. Kasabay nito ang pagpapahayag na muling mapabilang
sa Team Pilipinas upang matulungan ang kanyang mga brother sa World Cup.

25 thoughts on “Jordan Clarkson Pwede pala sa FIBA World Cup | UPDATE

  1. Jordan Clarkson at Andray Blatche KAYA bang DALHIN sa FIBA World Cup CHAMPIONSHIP ang Gilas?

    https://youtu.be/3yBHokPT1mE

  2. Solid to kung ito line up
    My 15 man pool suggest lang mga sir.
    C-Blatche
    PF-Stanhardinger
    PG/SG-Clarkson
    SF-Parks
    PG-Martin
    PG/SG-Holts
    PG-Castro
    PG-ringle
    C/PF-Aguilar
    C-Fajardo
    SG-Lassiter
    SF-Norwood
    PF-Rosario
    SG/SF-Wright
    PG-Lee or Romeo.

  3. perapera lang nyan.. napaka korap ng namamahala sa FIBA.. kahit na obvious na pinoy c JC, iniipit nila para mapilitan ang pinas na makipag settle nalang.. hahay

  4. It's not the FIBA rules which can declare who are Filipinos. Clarkson, Pringle, Standgsrdinger, Green etc are Filipinos by birth under our constitution for having been born with Filipino mothers.

  5. kung kailan na malapit simulan ang fiba tsaka aasikasuhin ang doc's ng isang filipino player, dapat noon pa..malaking bagay sa team lung makakalaro ang isang tulad nya..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *