Jordan Clarkson HANDA ng MAGLARO sa FIBA World Cup

Jordan Clarkson HANDA ng MAGLARO sa FIBA World Cup
ArticlesBlog


Handa anumang oras si Fil-Am basketball star
Jordan Clarkson sakaling payagan na siya ng FIBA na maglaro para sa Gilas Pilipinas bilang
local sa World Cup 2019 ngayong Agosto sa China. “Just be ready. Go in there. Try to win.
Do your job. Hopefully we get some wins over there and do what we gotta do,” ayon sa
26-anyos na Cleveland Cavaliers star sa report na lumabas sa Spin.ph. Sibak na sa paparating na 2019 NBA playoffs
ang Cavs ni Clarkson kaya libre na itong maglaro para sa Team Philippines kung aaprubahan ng
FIBA ang apela ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na paglaruin ito bilang local at hindi
naturalized. “I don’t know yet. Stay tuned, I hope,”
sambit pa ni Clarkson nang tanungin sa estado ng kanyang posibleng paglalaro para sa Pilipinas. Pero ayon sa ilang urutero, kahit­ payagan ng FIBA si Clarkson na
maglaro bilang local, magiging problema naman kung papayagan ito ng Cavaliers na maglaro
sa FIBA dahil ikinukunsidera ng team ang safety nito. Papatapos na kasi sa 2019-2020 season ang
apat na taong kontrata ni Clarkson na nagkakahalaga ng 50 million U.S. Dollars na una niyang pinirmahan
habang nasa Los Angeles Lakers pa ito. Lahat ng alas itataya ni Manny Pangilinan
makalaro lang si Jordan Clarkson Desidido si Sama­hang Basketbol ng Pilipinas
chairman emeritus at FIBA Central Board member Manny V. Pangilinan na isulong ang pagsama
kay Fil-Am NBA player Jordan Clarkson sa lineup ng Team Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup na
idaraos sa Agosto sa China. Handa si Pangilinan na gawin ang lahat upang
mapasama si Clarkson sa world meet kung saan kakausapin nito si FIBA secretary-general
Andreas Zagklis para maayos ang problema sa NBA star. Si Zagklis ang hu­ma­wak sa mahigit 1,000
kaso sa Basketball Arbitral Tribunal at nagsilbi sa Court of Arbitration for Sport sa tatlong
Olympics. “Andreas texted me soon after the game against
Kazakhstan and I was surprised, congratulating Gilas. We had a series of text exchanges.
What I will do is to send a request to FIBA for you two (Blatche and Clarkson) to play
together with Jordan to play as a local and you as a naturalized player. I think if both
of you are there, then we will have a super team,” ani Pangilinan. Ilalatag ni Pangilinan ang isyu sa FIBA World
Cup draw na idaraos sa Shenzhen, China sa Marso 16. Nais ni Pangilinan na maglaro si Clarkson
bilang regular na miyembro ng Team Pilipinas at hindi naturalized player. Nakapaglaro na ito sa 2018 Asian Games sa
Jakarta, Indonesia bilang regular player dahil nagmamay-ari si Clarkson ng Philippine passport. “One of the things that I would like to
say to Andreas when I see him during the draw is to ask about Jordan’s status. This early,
I will send him a letter stating that we would like to see Jordan play as a Filipino,”
dagdag ni Pangilinan. Sinisimulan na ni SBP president Al Panlilio
ang pakikipag-usap sa PBA at Team Pilipinas coaching staff upang maayos ang training ng
koponan. Lubos ang pasasalamat ni Cleveland Cavaliers
star Jordan Clarkson sa taos-pusong suporta ng mga Filipino fan sa kanya. Simula noong nakapasok ito sa NBA hanggang
mapabilang sa Team Pilipinas sa Asian Games noong nakaraang taon, todo na ang suporta
na ipinapakita ng mga Pinoy fan. “I know they support. They show a lotta
love. If it happens, it happens. I appreciate the support,” wika ni Clarkson. “If it happens, it happens. I’m gonna
go out there try to produce just like everybody else that’s what it is at the end of the
day.”

36 thoughts on “Jordan Clarkson HANDA ng MAGLARO sa FIBA World Cup

  1. isang bagsak para kay MVPangilinan. saludo sayo sa suporta MVP. gagawin lahat basta maka laro lng si JordanClarkson.

  2. Nako sna nmn yung mgging kakampi n jc eh gawin din yung best nila wag ttmadtmd sna more2 prctice.hndi biro illabas n pera n pangillinan kay jordan clarckson…

  3. Add Kobe Paras 6/7, Speed, Strength, Blocks, Ali hoops, Assist, Dunks, Experience, Defence. Agility, Confidence, Endurance.

  4. naku po! lahat nman handa n….tanong??!! pumayag nb ang FIBA??!! nganga!!! hahaha si Coach Chot Reyes handa n rin ! ..tanong ??!! pumayag nb ang FIBA??!! nganga!! hahaha sa FiBA kayo mgtanong bago mag salita..lahat ay umaasa kaya wag masyado xcited!! Si Pangilinan handa n rin…tanong??!! kaya b nya bayaran si JC kung sakali at wag nman sana mapilayan.. kayo b magbabayad ng sweldo nya?? hindi! nganga!! hahahahaha kalma lang po!

  5. puro kayo clarckson maglaslaro na wala naman..kapag sigurado na..ibalita nlng ninyo..useless din ang paggawa ninyo ng video..maraming nagagalit sa inyo,si adrian dagon ..nagagalit na nga eh..

  6. Sna mag aral nmn ung voice over na babae dto ng pagbabasa ng tama kung saan hihinto sa may period sna eh ang gulo nya mag basa… Hehecomment Lang po pra marami makaintinde ng ayos

  7. Galing nyong mang dengoy. Handa na ang sabi. Tapos kung papayagan ng fiba. Ako handa rin ako kahit wlang payag ang fiba. Mga biaz wla kaung pag kakaiba sa abs cbn… d pa aabot ng 15 yrs ang youtube wla ng gustong manood dhil mas manloloko pa kau kesa iba.

  8. Mas lamang ang di makakalaro si jc pero may magic jan pag nakalaro more sacrifices and also money involve. Sasakit bulsa ni PANGILINAN jan. Pero kaya yan. Pera pera lang labanan kung kaya nga magpa luwal ng malaking halaga..

  9. payagan yan basta may padulas,yong iba napayagan same situation kay clarkson,alam na bakit yong ibang tulad ng polska

  10. Kung sakali lang parang unfair naman ata yun. E yung sa australia nga halos lahat ng nba players ng auise mag lalaro sa wc. Tapos satin hindi. Para nasaan ang hustisya nun?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *