Jordan Clarkson at Andray Blatche KAYA bang DALHIN sa FIBA World Cup CHAMPIONSHIP ang Gilas

Jordan Clarkson at Andray Blatche KAYA bang DALHIN sa FIBA World Cup CHAMPIONSHIP ang Gilas
ArticlesBlog


Jordan Clarkson at Andre Blatche, kakayanin
ba nilang buhatin ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Championship? Halos butas ng karayum ang dapat pasukin ng
Gilas Pilipinas kung gusto nitong umabot sa hanggang Finals ng FIBA World Cup. Maraming malalakas na team ang posibleng harapin
ng Gilas Pilipinas kagaya nalang ng Spain, Argentina at maging ang U.S.A. Kaya isa naman sa malaking tanong kung sakaling
pinayagan ng FIBA na maglaro si Jordan Clarkson ay kaya ba nilang dalawa ni Blatche na dalhin
ang Pilipinas sa kampyonato. Si Jordan Clarkson ay kasalukuyang beterano
ngayon sa NBA at alam niya kung gaano kalakas ang depensa at opensa ng mga international
Players, gayun din kay blatche dahil naging beterano at matagal din siyang naglaro sa
NBA. Kung titignan ang sakaling line up ng Gilas
at ikukumpara natin ito sa ibang mga team kagaya nalang ng Spain, ay sa height pa lang
ay malaki na ang pinoproblema ng Gilas. Malaki, Mabilis, Matigas at Malalakas ang
mga magiging kalaban ng Gilas Pilipinas at kung maalala ay isa lang ang naging panalo
ng Gilas nung huli itong makapasok sa FIBA world Cup.
Pero wag muna nating maliitin ang ating sariling national team. Maliliit man sila pero mabibilis
naman, at wag rin nating kakalimutan na maraming sharp shooter ang GIlas, isa na rito ang NBA
player na si Jordan Clarkson. At kung sa Rebound naman ay anjan si Junemar
Fajardo at Andrei Blatche. Maalalang Lubos ang pasasalamat ni Lakers
star na si Jordan Clarkson sa taos-pusong suporta ng mga Filipino fan sa kanya. Simula noong nakapasok ito sa NBA hanggang
mapabilang sa Team Pilipinas sa Asian Games noong nakaraang taon, todo na ang suporta
na ipinapakita ng mga Pinoy fan. At ngayong botohan na sa NBA All-Star season,
magiging makabuluhan ito para kay Clarkson kung mapabilang siya rito. “I know they support. They show a lotta
love. If it happens, it happens. I appreciate the support,” wika ni Clarkson. “If it happens, it happens. I’m gonna
go out there try to produce just like everybody else that’s what it is at the end of the
day.”. Malaki rin ang pag-asa na mapabilang si Clarkson
sa National Team dahil isa naman siyang Pilipino kung pagbabatayan ang ­Konstitusyon ng
Pilipinas. Ito ang sinabi ni dating Pampanga congressman
at ngayon ay Philippine men’s basketball coach Joseller ‘Yeng’ Guiao bago pa man
makapaglaro ang dating Los Angeles Lakers guard sa National team sa nakaraang 18th Asian
Games. “As I’ve told you before, dapat natin na ipaglaban na maka­laro
bilang locals hindi lamang si Clarkson, kundi pati na sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle dahil sila ay purong
mga Pinoy,” sabi ni Guiao. Ipinaliwanag ni Guiao na nakasaad mismo sa
Konstitusyon ng Pilipinas na ang isang bata sakali man na may isang Pilipinong ama o ina
na kasal sa isang banyaga ay kinokonsidera sa batas na may dugong Pilipino at isang Pilipino.
“Pinoy sila kaya dapat sila na makalaro as locals,” sabi ni Guiao. Matatandaan na matagal nang ipinaglalaban ng Samahang
Basketbol ng Pilipinas na makikilala at mabigyan ng permiso ang six-foot-five. Fil-American limang
taon na ang nakalilipas para bitbitin ang bandila ng Pilipinas. Isa pa sa kinokonsidera ni Guiao,
na nakapagpasa ng mara­ming batas bilang isang Kongresista, na si Clarkson, na ang
ina ay mula sa Angeles City, ay mayroon na mismo na Philippine passport sa edad pa lamang
na labing dalawang anyos. Nagsumite na rin ang SBP noon pang twenty
fifteen ng mga dokumento sa SBP na world basketball gover­ning body para nito
mapatunayan ang pagiging Pilipino ni Clarkson base sa isinasaad sa Konstitusyon subalit
hanggang sa kasalukuyan ay walang aksiyon ang FIBA. “Dapat talaga ipaglaban dahil nasa Konstitusyon naman natin
nakasaad ang pagiging Pilipino nila,” sabi ni Guiao. Pinangunahan naman ni former NBA player
Andray Blatche ang atake ng Team Pilipinas para gibain ang mga makakalaban sa FIBA World
Cup. Maalalang naging Game changer si Andray Blatche
sa mga naging huling laro ng Gilas Pilipinas. Malaki talagang ambag sa koponan ang pagbabalik
ni Blatche, umarangkada ang big man at hindi naawat na magpaulan ng puntos sa parehong
laro. Siya malamang ang naging sagot sa kung bakit
nga ba tayo natalo nang dalawang magkasunod na laro dito sa ating teritoryo. Ngunit hindi
lang naman si Blatche ang nagbuhat sa Pilipinas, ang leadership ni Jayson Castro ay talaga
namang malaking tulong para sa koponan, talagang pinatunayan niya na siya ang number one guard
sa Asia. Ang nagbabalik na si Mark Barroca ay ipinakita
na karapat-dapat siyang muling maglaro para sa bansa. Ibang klase ang tapang ng mga manlalaro
natin, mula umpisa hanggang dulo ay talagang hindi bumibitaw. Tila tunay na kahulugan ng
puso! Pusong palaban, pusong hindi umaatras kailanman. Katulad ng nauna kong nabanggit, ibang klase
ang larong makikita natin mula sa kanila, iba nga naman kasi talaga ang nagagawa sa
isang manlalaro ng exposure at experience sa isang international competition. Sigurado akong mas mainit ang magiging bakbakan
sa liga nga­yong nasa FIBA World Cup na tayo. Masyadong pinapa­sabik ang fans at mas­yadong
napupuno ng gigil ang mga player dahil ito ang pagkakataon na ipakita sa buong mundo
kung gaano kalakas ang Pilipinas sa larangan ng Basketball. Wag kakalimutang ilike at share ang video
at magsubscribe narin kayo sa Noypi Alliance para lagi kayong updated sa Sports.

54 thoughts on “Jordan Clarkson at Andray Blatche KAYA bang DALHIN sa FIBA World Cup CHAMPIONSHIP ang Gilas

  1. makasali lang sa world cup ay ok na ko dun … wag na mangarap ng gising… kahit makapanalo ng isang beses lang ayos na

  2. ung assist, shooting, speed, dribbling skills niya ngaun yan ang magpapahirap ng taga ibang bansa….kaya sayang talaga kng d mapasama….

  3. Hula ku di parin kukunin ni yeang si romeo mataas pride ni yeang yaan nyo na lalamunin nya rin yan balang araw romeo parin its time para makilala lalo c romeo sa buong mundo ganun tlaga tol romeo wala tayo magagawa maraming dimunyong haters mu palamon mu bola sa kanila sayang talent halos pinag handaan nya yan mag pa payat alam ku masakit kay romeo un….

  4. Stanhandenger,Pringle,Blanche,clarkson,Castro,Remy martin,japet,junemar,norwood,lasiter,wright,Rosario dream team ng pinas kayA tumalo ng mgaling n team sa fiba

  5. Tinatanong mopa yan kahit kahit ikaw naman alam muyan tang ina may tatalo paba sa USA para sa akin dina kay langan itanong yan kung mag champion. Dahil hindi talaga yan mag champion tanga lang

  6. Finals agad? Basta maging best Asian zone para makapasok sa Olympics. Pero ayoko umasa, basta maayos ang ibang players and set plays, okay na ko. Tapos isama mo si Martin, ang saya nun.

  7. Hahaha ang labo mo naman champion ba Ate khit pasok lng sa top 7 para pasok sa olympic hahaha wag kna mag paliwanag sa champion oh umasa spain at usa kalabn dun ahhaha

  8. Di na kailangan na buhatin ang team! Kelangan lang ayy team work at gawin ng mga players ang kanilang makakaya and that the true victory

  9. Kaya kung may sustain na tira sila sa malayo at agahan nila ang lamang sa 1st quarter at iwasan ang foul dahil may speed na tayo galingan lang sa page still.

  10. kaya yan basta jan c clorkson blatce martin fringle castro lasiter fajardo norwod troy stanhardiner gray aguilar

  11. Jc, blatche, martin, lassiter and aguilar , my first five. But the question is who will hog the ball?😆 goodluck coaches if this happened HAHAHA no hate just love.
    LABAN PILIPINAS
    #PUSO

  12. sa totoo lng halos di ng kakalayo ang offence ng fiba teams s gilas ang malaking deperensya galing pa mismo KY jc n tamad player ng gilas Wlng depensa madaling ma discourage gusto lng pumuntos
    yn ang katotohanan agree b kayo guy
    s pki like kung tama ako

  13. Kobe Paras 6/7, he speed, strength, blocks, shooting, defence, assist, drive, lai-hoops, cutter/ swingman, 3×3 dunks champion, int'l experience.

  14. Ang sagot sa inyo hindi kasi walang chance kahit tatlong clarkson payan at dalawang blatch walang chance parin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *