Japeth Aguilar Postpone ang KASAL dahil sa FIBA World Cup

Japeth Aguilar Postpone ang KASAL dahil sa FIBA World Cup
ArticlesBlog


Isang linggo matapos alukin ni Japeth ang
kaniyang kasintahan para mag pakasal, ay napilitang ipostpone muna ng magkasintahan ang kanilang
big wedding. Ang dahilan nito ay dahil nakapasok ang Gilas
Pilipinas sa FIBA World Cup. Originally, Si Japeth at Cassy ay balak magpakasal
within three months. “Pero I think maiiba yung schedule since magkakaroon
nga ng World Cup,” sabi ni Aguilar . “So maybe after na ng FIBA World Cup.” dagdag pa nito. 32 taong gulang si Aguilar at si Naidas naman
ay 28. Eto na sana ang perfect time para magpakasal
ang dalawa pero mas pinili nilang ipostpone ito para sa karangalan ng Team. Bago pa sila na engage ay maganda na ang takbo
ng kanilang three years relationship. Kung maalala nating lahat ay. Inalok ng kasal ni Gilas Pilipinas player
Japeth Aguilar ang kaniyang nobya matapos manalo ang pambato ng Pinas kontra Kazakhstan
at makapasok sa Fiba World Cup. Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano sa NAIA
Terminal Three, agad na lumuhod si Japeth sa harap ng kaniyang longtime girlfriend Cassandra
Naida at inalok ito ng kasal. Sa Instagram stories ni Cassandra, ibinahagi
niya ang isang video kung saan makikita ang suot niyang singsing at inihahayag kung gaano
niya ito nagustuhan. “Exactly what she wanted: just one huge
black diamond platinum band,” ani Cassandra. Sa Twitter naman, pinasalamatan ni Cassandra
ang kaniyang mga follower sa lahat ng mensahe at tweets para sa kanilang dalawa. “I’ve read all of them and appreciate
each one.” Ayon naman sa mga ilang netizens ay dapat
mag focus muna ang mga players sa kanilang training lalo na at hindi matutuloy ang laro
nila sa Jones Cup. Kaya bago sumabak ang Natio­nals sa FIBA
World Cup sa August 31 – September 15 sa China, nakikitang solusyon ni coach Yeng Guiao ay
bantayan ang kondisyon ng natura­lized player. Binalak na maglaro si Blatche sa Commissioner’s
Cup, pero Six-foot-Ten lang ang height limit ng midseason tournament. Si Blatche ay nakalistang 6-11. Problema rin na made­dehado na sa kanya ang
11 teams na hindi niya paglalaruan. Kung walang Jones Cup at hindi puwede sa PBA,
suhestiyon ng Board ay ikasa sa friendly matches ang National team bilang paghahanda. Walang tutol dito si Guiao, pero punto niya
ay iba ang galawan ng totoong tournaments kaysa sa tune-ups o friendlies na walang nakataya. “The problem with pocket tournaments and
friendlies is you don’t feel the kind of pressure that is close to the pressure that
you feel in the World Cup,” anang coach. “Good thing about the Jones Cup is the level
of competition is high.” Nag-extend na hanggang March ng susunod na
taon ang kasalukuyang season ng PBA para bigyang daan ang partisipasyon ng National team sa
World Cup, tatamaan ng Jones Cup ang iskedyul ng iba pang laro ng Nationals sa kani-kanilang
mother teams. Ngayong March ay matatapos na ang stint ni
Blatche sa Chinese Basketball Association, uuwi ng US para magpahinga. Kailangang nakakondisyon siya sa susunod na
limang buwan bago ang World Cup. Nakikitang solusyon ni Guiao ay gawan ng paraan
ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na mapabalik sa bansa si Blatche nang mas maaga para makapagpakondisyon. “Now we have to look and find a way to get
him here early and get him in shape and get him ready for the World Cup,” ani Guiao
matapos parangalan ng PBA ang Team Pilipinas sa halftime ng Alaska-Ginebra game sa Ynares
Center sa Antipolo nitong Linggo. Tiniyak ng coaching staff ng national basketball
team ng Pilipinas na sapat ang kanilang oras upang pagplanuhan ang timeline ng ensayo nila
para sa FIBA World Cup. Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao,
nakatakda nilang simulan ang pagtatakda ng timeline pagkatapos ng drawing of lots sa
Marso 16. Tutukuyin ng draw lots ang magiging groupings
ng 32 bansang magtutuos sa nasabing international tournament. Una nang sinabi ni Guiao na dismayado ito
sa pagbawi sa planong paglahok sana ng Gilas sa Jones Cup, maging sa pagsabak ni Andray
Blatche sa PBA Commissioners Cup. Gayunman, bukas umano ang beteranong mentor
sa ibang mga opsyon, dahil sa batid daw nitong malaki na
ang isinakripisyo ng PBA.

One thought on “Japeth Aguilar Postpone ang KASAL dahil sa FIBA World Cup

  1. mag asawa ka ng matangkad na asawa para matangkad ang iyon mga anak katulad ni Kai Sotto, 6 feet 7 inches ang height ng tatay nya at 6 feet naman ang nanay nya. maraming mga NBA players na nag asawa ng pandak na mga asawa kaya mas mababa ang height ng mga anak nila kay sa tatay nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *