FIBA STRIKTO kay Jordan Clarkson at sa Gilas Pilipinas | FIBA World Cup

FIBA STRIKTO kay Jordan Clarkson at sa Gilas Pilipinas | FIBA World Cup
ArticlesBlog


Jordan Clarkson maaring hindi na payagan ng
FIBA na maglaro para sa Gilas Pilipinas. Malabo na umanong makalaro si Cleveland Cavaliers’
Fil-Am guard Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup na gagawin sa ika-31
ng Agosto hanggang ika-15 ng setyembre sa China dahil ang status niya bilang tunay na
Filipino ay hindi kinilala ng FIBA bagkus papayagan siyang maglaro bilang isang naturalized
player. Sa ilalim ng FIBA rules, maaari lang maglagay
ang national team ng isang naturalized player. Sa kaso ng Pilipinas, ang napili ay si Andray
Blatche. Sinubukan ng SBP na ilista si Clarkson bilang
local dahil sa kanyang dugong Filipino at nabigyan siya ng Philippine passport bago
sumapit sa edad na 16 pero ipinilit ng FIBA na papayagan lamang siyang maglaro bilang
naturalized player. Paulit-ulit na sinabi ni FIBA National Federations
and Sport Director Zoran Radovic kay SBP executive director Sonny Barrios na final na ang classification
ni Clarkson. Nagbigay pag-asa sa SBP ang pagkakatalaga
ng bagong FIBA secretary-general na si Andreas Zagklis ng Greece subalit sinabi nitong ipinauubaya
niya ang desisyon kay Radovic kaya malabo na umanong mabago ang desisyon. “It’s doubtful for the World Cup this
year because of FIBA’s eligibility rule,Maybe, if FIBA agrees to add another eligibility
factor in determining whether a player is naturalized or not for 2023 when we host the
World Cup, there will be an opportunity for Jordan.” Tinutukoy ni Barrios ang DNA testing upang
mapatunayan ang pinagmulang lahi ng manlalaro. “We’re not suggesting to remove the 16-year-old
cut-off rule for a passport, We’re suggesting to add another eligibility clause where players
will submit to DNA analysis before a FIBA-accredited testing agency like WADA for drug examination. This will confirm whether a player has legitimate
claim to heritage. This will determine roots. For sure, FIBA will not want to go against
the constitutional rights of a player claiming citizenship by heritage not naturalization.” Ayon kay Barrios, umaasa siyang magkakaroon
ng pagbabago ang desisyon ng FIBA kaugnay kay Clarkson, gaya umano ng kaso ng Australia
kay NBA center Thon Maker ng South Sudan kungsaan pinayagan itong maglaro bilang second naturalized
player sa Boomers dahil tumira ito sa Perth noong limang taon pa lamang siya. Sa Italy, pinayagan din ang 31-anyos na si
Ariel Filloy na ipinanganak sa Argentina pero nakapaglaro sa Italy simula noong edad na
15. Marami pa umanong mga ibang kaso na pinayagan
ng FIBA pero sa Pilipinas medyo mahigpit sila. Ang isa mga nakikitang paraan ni Barrios ay
pagsailalim sa DNA analysis ng isang manlalaro sa FIBA accredited testing agency at dito
malalaman kung ang isang manlalaro ay may lehitimong claim sa kanyang lahi. Hinirit pa ni Barrios, na isang malaking tulong
para sa kampanya ng bansa sa nakatakdang torneo kung makakapaglarong sabay sina Clarkson at
Blatche. “Remember that the World Cup will qualify
the best Asian finisher to the 2020 Olympics, that’s aside from Japan which has an automatic
ticket as host,” Mukhang mahihirapan nga ang Gilas Pilipinas
sa darating na World Cup, lalong lao na dahil maikli lang ang kanilang training at pinagdamutan
pa sila ng mga players ng PBA. Pero kagaya nga ng sinabi ni Coach Yeng Guiao,
ay naniniwala siya sa himala, kaya naman maaring makapasok parin tayu sa second round ng liga.

34 thoughts on “FIBA STRIKTO kay Jordan Clarkson at sa Gilas Pilipinas | FIBA World Cup

  1. Wala kwenta fiba e bat ung player ng argentina pinayagan nio tapos c Clarkson hinde? May Pagka bias ata ang Fiba e

  2. Philippines constitution recognizes the "Jus Soli" and Jus Sanguinity", dun sa nauna Idol Petmalu JC na belong. By blood he is a filipino citizen kaya please FIBA CUP 2019 mgt approve nyo our idol JC to join GILAS PILIPINAS. PLSSSSSS

  3. bobong rule ng fiba

    kahit ang 1 buong team na walang dugong local basta makakuha lang ng passport before 16 ay pwede maglaro

    kagaguhag rule ng fiba

  4. Tang ina naman kasing balita yan.. alam naman nila un RULES un dati pa yan RULES na yan.. eh noon sanang hindi pa sikat si clarkson/wala pa sa NBA eh dapat pinaglaro nyo sa Pilipinas at pinatira nyo…dati di sikat si clarkson wala akong pakialam ngayon nsa NBA sya apura reklamo nyo.. umaasa kayo s half pinoy.. hindi sa pure pinoy .. palakasin nyo si KAI SOTTO magfucos kayo dun
    Dun matic pasok na pasok si SOTTO.. wag kayong umasa sa half pinoy.. manalo gilas pag hindi pure pinoy.. hindi nakakabilib …nawawala laro ng pure pinoy … may blatche na nga hindi na nga nakikilala yun purr pinoy

  5. Bobo nga fiba yong iba bansa pinayagan maging dalawa naturizal player tapos pinas bawal ayaw ata nga fiba magchampion ang pinas eh kaya ganun sila

  6. Tayo na nga lang ang Sout East Asian team na nakakapasok sa World Cup tapos ang higpit pa nila masyado. Diko naman sinasabing dapat wag sumunod ha, pero may punto rin yung Bakit hindi puede patunayan ng by Dual Citizenship at DNA. Sayang naman.

  7. HAYOP na FIBA yan daig pa ang racist! , o baka nag aantay ng lagay ang FIBA para pumayag? bwisit sure naman may dugong pinoy si JC

  8. hindi na kumbinsi ng SBP ang FIBA, sana itry nila duterte or bong go umapela baka sakali mahilot pa.

  9. the real reason why?is that if philippines will get a higher slot it would be shame for fiba…got wat i mean guys..

  10. Anu reason nila para ndi payagan c JC? Balewala naman pala ung rules nila na passport before 16 years old. Palagi nlng tayo kinakawawa sa mga ganyan.

  11. Stop posting this video pls. This news was several months ago. Request for Clarkson to play for Gilas is still under study by FIBA😡

  12. Noypi alliance, this video will have negative effect for Philippine team Gilas as well as SBP's request to FIBA. Pls. stop posting this fucking video…you're making money from YouTube without thinking that Philippine team Gilas and the Filipinos as a whole might negatively affected by this irresponsible posting😡

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *