Christian Standhardinger DISMAYADO sa Laro ng Gilas Pilipinas

Christian Standhardinger DISMAYADO sa Laro ng Gilas Pilipinas
ArticlesBlog


Dismayado si Christian Standhardinger sa resulta
ng kampanya ng Pilipinas sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup. Nasorpresa ang Filipinos, sa dalawang laro
sa Mall of Asia Arena kontra Kazakhstan at Iran, nalaglag at natengga sa fourth place ng Group
F sa likod ng Australia , Iran at Japan. Kinapos ang Nationals, hindi nila naibigay
ang panalo sa fans na umaasa. May dalawang laro pa ang Pilipinas – kontra
Qatar at Kazakhstan – sa final window sa Pebrero. Kailangan nilang walisin ang mga asignatura
at umasa na isa lang ang maipapanalo ng Japan para makahabol sa China. “I have much respect for coach Yeng ,” wika
ng Filipino-German pagkatapos talo sa Iran. “He has a great system, and it was really an honor
to play for him. I’m sorry we let you down.” Sa kabila ng loaded talent na in-assemble
na team ni Guiao, hindi agad nakapag-adjust ang mga ito sa international play na kaiba sa
mga laro sa PBA. “Some of my teammates, they need to really
adjust. For some other guys, it’s very tough to adjust so quickly to those games,” dagdag ng San Miguel rookie. “You play two games and you have a break. Then you play the other way of playing basketball the whole
time. Then you go again.”

8 thoughts on “Christian Standhardinger DISMAYADO sa Laro ng Gilas Pilipinas

  1. Sa players wala naman problem except belga kahit naka tsambang 3 pts pa sya… hindi sya effective as a diffender tapos tamad pa maghabol ng bola.. 2nd yung coaching system talagang pang PBA ang systema nya ang layo sa systema at plays kay coach chot reyes pati kay coach tab baldwin.. kasi sila focus nila international plays.. eh si guiao pangPBA style ginamit nya pati yung low and high post plays lumang luma na yan.. hindi uubra yan sa international compition..

  2. PINAKA MALAKAS DAW NA TEAM GILAS O PINAKA BUGOK NA GILAS INTERMS OF PERFORMANCE? Wala confidence mga fans ngaun asang bahala at swertehan nalang.

  3. dpt tlga di tyo mag-All Filipino kapag sa FIBA ang labanan o sa kaht saang International Games pa yan dpt may atleast isang import like Kuya Andray Blatche ang mayroon tayo di yung pilit na All Filipino na gus2 gawin ni CYG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *