Bakit AYAW ka Bracket ni Yeng Guiao ang TEAM USA

Articles

Kung si coach Yeng Guiao ang masusunod, ayaw niyang maka-­bracket ang USA sa 18th FIBA
World Cup 2019 sa China. Mas malaki ang tsansa ng Team Pilipinas na
umabante sa susunod na round kapag hindi agad nakatapat ang world powerhouse. Mga NBA players ang ipapadala ng US sa China
sa Aug. 31-Sept. 15 tournament. Si San Antonio coach Gregg Popovich ang hahawak. “Ewan ko kung gusto natin maka-bracket ‘yun
para makapagpa-picture lang tayo eh,” natatawang pahayag ni Guiao sa press confe­rence para
sa Team Pilipinas sa Meralco office nitong Huwebes. Walo ang seeded teams, kasama­ ng hosts China
ang US, Spain, France, Seerbia, Argentina, Lithua­nia at Greece.
Pamumunuan ng walo ang bawat pod na bubuuin ng apat na teams mula sa 32 na nakapasok
pagkatapos ng Qualifiers. Sa March 16 and draw. “Ako, ayoko,” dagdag ni Guiao. “Kasi
gusto ko meron tayong realistic chance na ma-tsambahan natin ‘yung grupo natin.” Kung makakagrupo raw ang Americans,
wala nang magagawa. “Magpa-picture na lang din tayo,”
dagdag ng coach na naka­ngiti. Samantala, Target ngayon ni coach Yeng Guiao
na isabak ang Gilas Pilipinas sa 2019 William Jones Cup. Ngunit bago ito itulak ay kukunsultahin muna
niya si PBA Commissioner Willie Marcial kung papabor ba ito sa kanyang ideya. Naniniwala si Guiao na makakatulong ito para
mas mapaghandaan ang FIBA World Cup sa China. Nais rin ng coach na magkapasanay ng maaga
ang kuponan para makasabay sa mas mahirap na laro sa World Cup. Matatandaan na noong 2018 Jones Cup ay nakuha
ng Pilipinas ang ika-apat na pwesto. Ang UAAP Champion na Ateneo de Manila University
naging kinatawan ng bansa rito. Kung si coach Yeng Guiao ang masusunod, ayaw niyang maka-­bracket ang USA sa 18th FIBA

naging kinatawan ng bansa rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *