Angola Coach: Gilas LALABAN kahit WALANG NBA PLAYER

Angola Coach: Gilas LALABAN kahit WALANG NBA PLAYER
ArticlesBlog


Kung sakaling sumablay man ang on-going negotiation
ng SBP at FIBA, para kilalanin ng FIBA bilang local player si Jordan Clarkson ay mapipilitang
lumaban ang Pilipinas ng walang NBA player. Pero kahit wala daw tayong NBA Player sa World
Cup ay kaya paring lumaban at manalo ng Gilas sa Worldc Cup. Isa ang Gilas Pilipinas sa kakaunting koponan
na walang ipaparadang legit na NBA player para sa paparating na 2019 International Basketball
Federation (FIBA) World Cup na nakatakda sa China ngayong Agosto. Subalit bagama’t kahinaan iyon na aminado
ang Nationals, maaari aniyang ituring na sandata iyon ayon sa head coach ng Angola na si Wil
Voigt. Ayon kay Voigt, bentahe ng Gilas Pilipinas
ang pagkakaroon ng mga manlalarong naglalaro lahat dito sa bansa kumpara sa ibang koponang
kasama nila sa Group D katulad ng Italy at Serbia na kailangan pang hintayin ang kanilang
mga NBA Players upang masimulan ang kanilang training camp. “Except for Andray Blatche, all of your
guys are playing locally so it’s easy to get your national team together,” aniya
sa isang panayam ng CNN Philippines na Sports Desk. “The European teams, on the other hand,
still have to wait for their guys to go back from their pro teams. At best, they’re starting in July.” Sa katunayan, posibleng matagalan nga bago
makapagsimulang maghanda ang European powerhouses na Italy at Serbia dahil naglalaro pa sa NBA
ang kanilang mga manlalaro. Posible kasing magkaroon ng playoff runs na
maaaring tumagal hanggang Hunyo– petsa ng 2019 NBA Finals – sina Boban Marjanovic
(Philadelphia), Milos Teodosic (LA Clippers), Bogdan Bogjanovic (Sacramento) at Nikola Jokic
(Denver) para sa Serbia. Gayundin sina Danilo Gallinari (LA Clippers)
at Marco Bellineli (San Antonio) ng Italy. Subalit ang mada-ling pagtipon ng lahat ng
Nationals para sa mas maaga at mas matagal sanang paghahanda para sa world quadrennial
basketball conclave ay hindi magiging madali kaysa inaasahan. Sa ngayon kasi ay wala pang malinaw na programa
ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at Philippine Basketball Association (PBA) kung paano ang
magiging paghahanda ng koponan, limang buwan na lang bago ang World Cup na nakatakda mula
sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa Foshan, China. Siniguro naman ni SBP President Al Panlilio
na nakatakdang magpulong ang SBP at PBA – dalawa sa pinakamahalagang stakeholders at supporters
ng Gilas Pilipinas – sa lalong madaling panahon upang maplantsa ang iimplementang
programa sa Nationals. Plano ni coach Yeng Guiao na magkaroon ng
tatlong buwang praktis ang Team Pilipinas bago sumabak sa 2019 FIBA World Cup sa China. Tatakbo ang torneo sa August 31-Sept. 15,
posibleng June ay uumpi­sahan na ng Nationals ang matinding­ ensayo. Nasa radar ni Guiao ang ilang pocket tournaments
at friendly games, walang problema sa kanyang makalaro kahit ang New Zealand at Australia. July ng nakaraang taon sa third window ng
Asian Qualifiers sa Phili­ppine Arena, nagrambulan ang Australians at Filipinos. Nagresulta ito sa ilang suspension at milyong
pisong multa sa magkabilang panig. “My only criteria is we simply want (tune-up
games) close to the level of competition in the World Cup,” pahayag ni Guiao sa ESPN. Hindi na sasali sa Jones Cup sa July ang Nationals
dahil tatamaan nito ang iskedyul ng mga laro sa PBA. Maliban kina naturalized Andray Blatche at
cadet Thirdy Ravena, puro PBA players ang nasa pool ni Guiao. Plano ng coach na ang 14-man squad na binitbit
niya sa sixth at final window ng Qualifiers din ang isabak sa China. Sa World Cup, nasa Group D ang Pilipinas kasama
ang malalakas na team kagaya ng Angola,Italy at
Serbia. May ipinagmamalaking NBA players ang Italians
at Serbians Hindi pa sigurado kung makakasama si Terrence
Romeo sa Line-up ni coach Yeng Guiao.

40 thoughts on “Angola Coach: Gilas LALABAN kahit WALANG NBA PLAYER

  1. Pwede ang new zealand pero wag ang australia. Marumi sila maglaro.
    Baka pilayan lang ang mga players natin. Mababawasan pa ang mga magagaling natin sa lineup. Gaganti sila para mahandicap tayo. Lalong-lalo na sa teritoryo nila Ito gagawin.

  2. Kaya manalo ng pilipinas ehh ano ngayon Kung May mga NBA sila isipin natin tao rin sila… Dapat work hard like no tomorrow… Buhos na lahat….. Mag palakas tayo….mag work out na kayo…. Mag palakas ng katawan dapat palakasin ang paa hita… Baywang….gawin ninyong drilss na ang isa babantayan ng dalawa…. At ang shooters natin dapat May bantay na mas mataas pa sa kanya….

  3. Wag na romeo c wright nalang at almazan lalaki pa frontline ntin. Eto pa paki sa ke yeng dpat USA mka tuneup ng gilas gaya ng dati sa smart gawi wag na ausie bka mag gumanti pa cla mwalan pa lalo tyu mga player

  4. Gago to sabi nya lalaban daw ang gilas kahit walang NBA player hindi mo ba nakita si andray blatche NBA player yan gago nag post nito matalo man o manalo lalaban parin tayu para sa bansa natin……Pero mas maganda kong kasama si jordan clarkson dyan sa fiba world cup……….sana mag kasama si andray at si clarkson..

  5. Hahah sabi mo maglalaro si clarkson laglag na yan di ba nila ang Australia tinambakan ng Angola bubu ni yeng

  6. Hindi Rin Yun mga Yan matagal ng magkkasama Lalo n Ang Serbia at Italy Kaya ahit konting panahon lng magpractice Yan Alam n nila ggawin at pamilya n sila s bawat Isa Kaya lamang p Rin sila at mas quality player sila kase nga mga NBA players Doon p lng advantage n nila…example c Clarkson d b Hindi nmn natin nakkasama siya s Asian games dumating n lng siya s game n s China…

  7. nag eexperiment na namn si coach yeng , wla ba sila practice sa international teams ? mas gagling sila dun

  8. Hnd kaya kahit anong gawin kng wla c jc hirap manalo hnd na asia ang mga makakalaban hirap nga sa asia ehhh.

  9. Other teams have nothing to worry about Gilas. If the the NBA season ends at June 2019, by that time Gilas players will not practice as a team because their mother teams in PBA will not lend their players until 2 weeks before the tournament. Lol.

  10. 😂😂😂😂😂 kabado nah an PILAS!!! Cry na lng kau 😭😭😭😭😭😭😭😂😂😭😭😂😂

  11. Kobe Paras 6/7, blocker, shooter, rebounds, speeds, strenght, assist, ali-hoops he is better than other existing Gilas player out there, I think with Kobe everything is possible now to 2nd rounds. He is a best choice of Coaching staff.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *