Ang PAGBABALIK ni Kai Sotto sa Gilas | FIBA World Cup

Ang PAGBABALIK ni Kai Sotto sa Gilas | FIBA World Cup
ArticlesBlog


Handa nang maglaro sina Kai Sotto, AJ Edu,
at Dalph Panopio sa pagsabak ng Batang Gilas sa Fiba Under-19 Basketball World Cup sa June
29 hanggang July 7. Ayon kay Batang Gilas Youth head coach Sandy
Arespacochaga, babalik si Sotto sa bansa upang makasama ang squad sa pagpasok ng buwan ng
June bilang preparasyon para sa World Cup na nakatakdang gawin sa Heraklion, Greece. “We’re practicing now. Kai and AJ are joining us first week of June.” sabi ni Sandy. Dito na makikita ang resulta ng training ni
Kai Sotto sa Amerika, kung magiging epktibo ito para mai-angat ang bandila ng Pilipinas
sa darating na FIBA world Cup. Aminado ang Dating Gilas national head coach
na si Chot Reyes na bilib siya sa ipinapakitang galing ng mga batang gilas lalo na si Kai
Sotto. Umaasa ito na hindi mabubuwag ang team bilang
future national players ng bansa na sasabak sa international competitions. Ang iba pang Gilas members at PBA players
ay nagsabi na mistulang hindi Under-19 ang galaw ng mga talentadong Batang Gilas. Ayon kay Reyes, kahanga-hanga ang diskarte
ni Sotto, na coordinated ang mga galaw sa kanyang edad at tangkad. Umabot na rin sa ibang bansa ang kasikatan
ng future NBA player na si Kai Sotto. Pinaguusapan na siya ng mga team sa Europe
at marami naring mga basketball Agent na nakipag usap sa kanyang ama na Ervin Sotto. Ano pa man ang maging desisyon ni Kai Sotto
ay sana ay suportahan pa rin natin siya bilang kapwa pilipino. Dahil sa tikas at tangkad ni Kai Sotto, talagang
maihahalintulad nga ang basketball star sa Chinese giant na si Yao Ming. Hindi maipagkakaila na sa murang edad ay marami
nang naabot si Sotto. Kaya’t hindi maalis sa isipan ng maraming
Filipino ang ikumpara ang Pinoy pride sa Chinese great na si Yao Ming. “My height affects my speed whenever I switch
positions with the guards,” sabi ni Sotto. Sa lahat ng laban ng Pilipinas kontra Asya,
naging top scorer si Sotto kaya’t itinanghal siya bilang tournament’s best player. Hindi lang tangkad ang mayroon si Sotto kundi
pati lakas at galing sa loob ng basketball court gaya ni Yao Ming kaya’t nakuha niya
ang atensyon ng NBA. Parehong nagsimula bilang sentro si Kai at
Yao at sa parehong ring edad sila nadiskubre ng kanilang bansa. “You can expect from me to get better and
better. I won’t settle for a mediocre performance. I want to be all-out in every game and play
with unceasing heart”. Dagdag pa ni Kai. Matinding training ang kaniyang isinasagawa
para mauwi ang inaasam na cham­pionship sa FIBA World Cup na gaganapin sa China. Kasalukuyang nasa US si Sotto kung saan nag-eensayo
ito para sa napipinto nitong paglalaro sa Europe, pero sinabi ng dating Ateneo Blue
Eaglet na handa siyang maglaro sa Under-19 World Cup team na nag-qualify matapos makuha
ang 4th place sa 2018 Fiba Asia Under-18 Championship. Kung sakaling tanggapin niya ang alok ng Real
Madrid, sasabak siya sa isang mapisikal na torneo, mga higanteng manlalaro ng Serbia,
España, France, Greece atbp. Sigurado ako na ito ay ikabubuti ng karera
ni Kai. Dito’y walang masyadong challenge kasi ang
kaedad niya ay ‘di gaanong matatangkad at malalaki. Doon mapapalaban siya nang husto. Kasama ring naglaro sina Edu at Panopio sa
Batang Gilas sa Asian championship.

13 thoughts on “Ang PAGBABALIK ni Kai Sotto sa Gilas | FIBA World Cup

  1. HAHA haters ung iba d2. Inggit lng kau kc hindi nio maabot yung naabot ni Kai. Kayo hanggang ngayon palamunin parin kayo. E si kai may future na. Haha

  2. next month na ang laro ng fiba u19 tapos di pa nagpapractice ang mga lahat na players na to? kagit gaano pa kagagaling tong mga player kung walang proper preparation ng plays at teamwork ng mga batang toh mahihirapan sila sa mga team na well established na at may harmony na mga laro ng players.

  3. Aris…pa…ku…cha…ga…yan ang ta ang pag bigkas ng apilyido n coach sandy… Godbless kay kai… At sa Batang gilas…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *