Andray Blatche Kailangan pa ba sa FIBA?

Andray Blatche Kailangan pa ba sa FIBA?
ArticlesBlog


Noong nakaraang 5th window ng FIBA Qualifying
Round, pinahiya tayo ng Kazahkstan sa score na Ninety two to Eighty eight. Pagkatapos ng apat na araw, ang Iran naman
ang tumalo sa atin, sa score na seventy-eight-Seventy. Malalaki ang mga Iranian at hindi pa naglaro
ang sentro nila na si NBA player Seven’one na si Ehadadi, at maga­ling na playmaker
na si Bahrami. Noong naglabas ng mga pangalan sa pool si
Coach Yeng, marami ang nagtaka kung bakit hindi sinama sa roster si Andray Blatche,
isang beteranong NBA player, na dumaan sa Naturalization process, noong Mayo 2014, kung
saan naging isang Pilipino na pwede na maglaro sa national team. Bigla tuloy binatikos ng tao ang SBP at si
Coach Yeng, kung bakit hindi siya sinama sa line up. Sa aking pananaw, si Blatche ay isa sa mga
bayani ng koponang Pilipinas, noong tayo’y lumaban at nakapasok sa FIBA World Cup kasama
si Jimmy Alapag at Gabe Norwood. Ang kontribusyon ni Blatche ay 13 puntos bawat
laro, at 13 rebounds din. Mas importante ang kontribusyon niya sa depensa. Dahil ang taas niya ay 6’11”, hindi basta
basta nakaka-shoot ang mga kalaban sa ilalim ng basket. Pagkatapos ng FIBA World Cup, kinuha si Blatche
para maglaro sa Xinjiang Flying Tigers, sa Chinese Basketball League, at maganda ang
ginawa niya dito. Average score niya ay 26.5 points per game,
at rebounds, 13.5 rebounds per game, at dahil sa magandang laro ni Blatche, tumuntong sa
kampeonato ang Flying Tigers. Pagkatapos ng isang taon, nagkaron ng injury
si Blatche. At nakabalik lang siya sa CBL pagkatapos ng
isang taon. Sa pang limang yugto ng FIBA Qualifying Round,
isinali ni Coach Chot Reyes si Blatche noong kinalaban na­ting ang Australia at Japan. Bagamat natalo tayo kontra Australia, maganda
ang pinakita ni Blatche noong binantayan niya ang shooter ng Australia na si Kickert, na
gumawa lang ng 5 puntos. Kontra Japan, tinambakan natin ang Japan at
si Blatche ay nagtrabaho ng husto sa larong ito. Nasuspinde si Blatche ng tatlong laro, noon
nagkaroon ng rambulan kontra Australia na ginanap dito. Ngunit kataka-taka, hindi sinama ang pangalan
niya noong nakalaban natin ang Kazahkstan at Iran. Malaking bagay sana si Blatche, ang kanyang
‘inside presence” lalo na. Naghintay daw siya ng tawag mula sa Gilas
pero walang duma­ting. Hindi na nga daw niya tinangap ang mga offer
na maglaro sa Chinese League. Sana sa Pebrero, makapag­laro ulit si Blatche.

5 thoughts on “Andray Blatche Kailangan pa ba sa FIBA?

  1. noon nagpresinta si robin lopez, legit 7 feet na rebounder at rim protector bkt si blatche pa rin pinili ni chot? hindi kailangan ng gilas ng sentrong nagdidribble at playmaker we needed a BIG that can rebound and play D

  2. Muntikan panga talunin ng gilas ang france sa fiba qualifying. Dahil din kay blatche lumakas ang gilas. Ang taas ng rank ng france sa fiba ranking tapos tinambakan lang ng gilas ng single digit. Dahil yun kay blatche. Nahabol nga lang. Pero dikit ang lban. Biruin mo yun kalaban natin number 5 sa ranking. Ewan ko ba kay yeng guiao bakit hindi sinasama sa line up si blatche. Ano ba problema? Dapat pra sabayan hindi para pan sarili lang.

  3. Para sa akin si blatche pa rin ang dapat na naturalized…siya ang dahilan na napasok tayo sa world cup…nakipag away pa nga siya para sa pilipinas tapos basta basta nalang papalitan…makunsensya naman kayo..tapos alam na si blatche may ibubuga pa yan sa larangan nang basketball…pag-isipan ninyong mabuti..

  4. sa ngaun na panahon ni mr. experiment hindi talaga cya kailangan..ang gusto kc ni guiao ung talunan na team..ayaw nta mkarating ang pilipinas sa fiba world..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *