Andray Blatche Hindi pa Sigurado para sa Pilipinas dahil baka masyado ng MATABA – Coach Yeng Guiao

Andray Blatche Hindi pa Sigurado para sa Pilipinas dahil baka masyado ng MATABA – Coach Yeng Guiao
ArticlesBlog


Asam ni Team Pilipinas head coach Yeng Guiao
na makita ang isang nasa kondisyon at pambanggaan na Andray Blatche, kung nais nitong makapaglaro
muli para sa Pambansang Koponan sa ikaanim at huling window ng Fiba para sa mga bansang
makakapagkuwalipika sa 2019 FIBA World Cup sa China. “He is being consi­dered,” sabi ni Guiao
sa mensahe nito sa reporter ng Abante. “We need to know first if he is in shape
and is available to come here mid-January,” paliwanag pa ni Guiao habang hindi nito siniguro
kung agad na nakareserba ang isang silya sa koponan para sa 6-foot-11 na dating mi­yembro
ng Washington Wizards. “Ina-assess pa rin natin lahat ng anggulo. He is consideted but nobody is sure of a slot. One thing we are looking at is what kind of
shape he is in. Baka mamaya gusto nga natin siyang kunin,
tapos 350 pounds pala. We just want to be able to assess him physically,
what kind of shape he is in, what kind of motivation he is in,” sabi ni Guiao. Hangad ni Guiao na madagdagan ang kakayahan
ng koponan kung saan nagawa nitong talunin ang dumayo sa bansa na Qatar sa isinagawang
closed door na labanan at matugunan ang ipinakitang bilis at liksi ng tumalo dito na Kazakhstans
upang masiguro ang kailangang masungkit na importantang dalawang panalo. Kasalukuyan pa ding pinag-aaralan ng national
coaching staff kung kakayanin ng mga big men na sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar at
Greg Slaughter na siyang dahilan kung kaya muli nilang kinunsidera ang pagkuha sa serbisyo
ng ilang beses na naglaro para sa koponan na si Blatche. Ipinahayag naman ni Blatche ang kanyang matinding
pagnanais na makalaro muli para sa Pilipinas kahit na ilang linggo pa lamang naganap ang
huling laro ng Nationals kung saan hindi ito nakasama kahit maaari na itong makalaro sa
ikalimang window ng qualifier. “It’s good to be back and play for the
greatest fans in the world,” sabi lamang ni Blatche, na nagsibli na sa Pilipinas bilang
naturalized player sapul noong 2014 FIBA World Cup

2 thoughts on “Andray Blatche Hindi pa Sigurado para sa Pilipinas dahil baka masyado ng MATABA – Coach Yeng Guiao

  1. “Ina-assess pa rin natin lahat ng anggulo. He is consideted but nobody is sure of a slot. One thing we are looking at is what kind of shape he is in.

    Baka mamaya gusto nga natin siyang kunin, tapos 350 pounds pala. We just want to be able to assess him physically, what kind of shape he is in, what kind of motivation he is in,”

    sabi ni Guiao.

  2. Ikaw ang di pwede sa gilas yeng.pag nainis ang mga fans ng gilas sayong kabobohan yeng na di îsama Sila blatche at romeo s gilas cgurado khit San ka mapunta yeng may mura ka.he he.umalis ka ng gilas yeng,tiyak buong pilipino magdiriwang as pag alis u.he he.mag inter brgy ka nalng.bagay ka.he he.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *