AJ Edu TANGGAL na sa FIBA GRABE pala ang INJURY

AJ Edu TANGGAL na sa FIBA GRABE pala ang INJURY
ArticlesBlog


AJ Edu suffered an anterior cruciate ligament
and meniscal tear on his right knee with hairline fracture on his right femur bone, AJ Edu ng Batang Gilas, napunit ang bahagi
ng joint sa tuhod. Hindi na makakapaglaro muli sa 2019 FIBA Under-19
World Cup ang star center ng Gilas Pilipinas Youth na si AJ Edu. Ito’y matapos tila malubha ang tinamo nitong
injury base sa pagsailalim sa magnetic resonance imaging . Lampas dalawang minuto pa lamang sa laban
ng Gilas Youth kontra Greece, bumagsak ang Fil-Nigerian habang pa-drive at napakapit
sa kanyang tuhod, kailangang akayin patungong dugout at kitang hindi maitapak ang paa. Saad sa injury report, ACL at meniscal tear
ang ininda ng 19-anyos, mayroon ding nakitang maliit na bali sa femur ng binata. ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas Special
Assistant to the President Ryan Gregorio sa inisyal na pagsuri ng therapist. “AJ Edu suffered an anterior cruciate ligament
and meniscal tear on his right knee with hairline fracture on his right femur bone, based on
the MRI images read by the radiologist, The official results will be released on Monday
once the hospital’s orthopedic doctor read and reviewed the MRI Images of AJ Edu’s
knee. We also requested the orthopedic doctor here
at Fiba to check on AJ tomorrow,” Lumalabas sa paunang resulta na dumanas ang
19-year-old athlete ng pagkapunit ng kanyang anterior cruciate ligament at meniscal sa
kanang tuhod, gayundin ng hairline fracture sa kanang femur bone o banda sa hita. Ayon kay George Yorobe, physical therapist
ng Gilas Pilipinas Youth, isinugod si Edu sa pinakamalapit na diagnostics hospital sa
Greece upang masuri. Gayunman, bukas pa kasabay ng unang araw ng
Hulyo ilalabas ang official results ng kanyang MRI. Nag-request na rin aniya sila ng orthopedic
doctor sa mismong FIBA upang suriin ang Pinoy athlete. Una rito, hindi nakaporma sa kanilang unang
laro sa 2019 FIBA U19 World Cup ang Gilas Pilipinas Youth makaraang itumba sila ng host
country na Greece, 69-85, sa Heraklion Arena, ngayong Linggo . Tumipon ng 13 points, 10 rebounds, tatlong
blocks at tatlong assists si Kai Sotto ngunit hindi ito naging sapat para mapanatili nila
ang kanilang mainit na simula. Mistulang nakaapekto rin sa Pinoy cagers ang
pag-alis nang maaga ni AJ Edu dah il nga sa mga natamong injury sa tuhod. Nagpaabot naman ng suporta si SBP President
Al Panlilio sa dinanas ng prized ward. “I sent him a message that the SBP is committed
to help him get through the ordeal and we are behind him all the way. We will help him with whatever he needs,” Malaking kawalan ang 6-foot-10 na si Edu,
magiging ka-tandem sana si Kai Sotto sa frontlines ngunit sasandig sa natitirang big man na sina
Geo Chiu at Carl Tamayo. Susubukan namang bumawi ng Pilipinas sa pagtatagpo
nila ng Argentina mamayang gabi. Nanguna si Kai Sotto, kumolekta ng 13 points,
10 rebounds at 3 blocks. Trese puntos din ang ginawa ni Gerry Abadiano. Sunod na haharapin ng Gilas Youth ang Argentina,
Lunes ng madaling-araw sa Pilipinas. Sana nga ay maka-bangon agad si AJ Edu para
matulungan niya ang Batang Gilas sa kanilang laban kontra sa mga higante ng Argentina at
Russia.

39 thoughts on “AJ Edu TANGGAL na sa FIBA GRABE pala ang INJURY

  1. .sana,mkarecover c aj s injury nya ,dhil s pkikipglban nila pra s bnsa ntin na injury cya,sna ipgdasal ntin nagad agad cya gumaling

  2. dapat pumatay tau ng isang taga greece mga mandaraya intension talaga nila kc hnd cla mananalo sa ating kng nandyan ang dalawang tower ntin.

  3. sbp dapat tumulong ng maigi para sa rehabilitation ni AJ kawawa naman baka masira ang career nyo tulungan sana ng sbp

  4. This is what I said earlier!!!!! Sana wake up call ito sa mga player ng pinas na mag step up pa lalo ,,,,

    This is FIBA and you know what I mean…

  5. buwisit naman kasi yang court sa Greece wala kasi nagmomop ng sahig kaya madulas eh ang dami kaya nadudulas

  6. Pahinga na muna Edu. Need to focus on healing grabe iyan injury mo. It will take you a year to recover from that. SBP needs to consider recruiting Millora-Brown now or Kai Balunggay as Naturalized players (may mga dugong pinoy naman) until AJ returns for the 2023 World Cup in PI.

  7. Wake up call sa SBP dont rely always sa mga fil foreign players anjan geo tiu bkit hindi pinagtrain sa US kasabay ni Kai i think dapat palakasin mga back up players…

  8. kung hindi lang sana na injured si AJ EDU kaya sana nilang talunin nag mga kalaban nila… sayang naman.

  9. AJ Prayers and wishes that you recover well on your injury so that you can continue on your career and success upon what team you may play. You have the heart of a lion and hope to see you back on a Gilas uniform. PuSO!!!!

  10. God bless you AJ.. get well soon… hope to see you stronger and better… more power.. and stay healthy

  11. Sana ito ns ung start sa overhaul change ng basketball sa pinas, puro kasi politika mga tang ina nila

  12. planado yan tingin ko kc Greece p kalaban nila tas taga Greece p coach nia s NCAA kya alam nia laruan ni aj edu. . ngyn pra malinaw sa inyo n planado yan replay nio ng husto yung laro pinitik nila kaliwang paa ni edu pra maout balance siya at dhil dun magkakamali ang kanan paa ni edu ng apak o hakbang. .Kya Hindi yan malas. .planado yan. .prayers sayo aj edu kailangan makabalik k ng malakas at kondisyon ang katawan mo. .God bless

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *