AJ Edu MALUNGKOT at DISMAYADO sa sarili dahil sa INJURY

AJ Edu MALUNGKOT at DISMAYADO sa sarili dahil sa INJURY
ArticlesBlog


Hindi maiwasang madismaya sa kanyang sarili
si AJ Edu pagkatapos ng nangyaring aksidente sa kanya sa unang dalawang minito ng laban
kontra Greece. Napasama ang bagsak ni Edu sa opening minutes­
ng laban kontra Greeks. Pagkatapos ng talo ng Batang Gilas sa Greece
ay dumiretso agad sa ospital si Aj Edu. Sa mga interview sa kanya ay halatang malungkot
ito, at hindi nga naging maganda ang resulta ng Gilas youth dahil hanggang ngayon ay wala
parin silang panalo. Ayaw kasi ng Gilas youth na malaglag sa ikaapat
na puwesto sa Pool C dahil makakalaban nila ang mga mas bigating koponan sa Pool D sa
paparating na knockout stage katulad ng world Number 4 na Serbia at Number 5 na France na pawang hawak ang 3-0 records. Upang magawa ito, sasandal si head coach Sandy
Arespacochaga sa 7’1 teen sensation na si Kai Sotto na naiwan na lamang mag-isang bumabandera
sa koponan matapos ang ACL at meniscus injury ng kapares niyang si AJ Edu sa unang laban
pa lang nila kontra sa Greece. Sa kabila ng nangyari ay tiwala pa rin si
Edu sa kakayahan ng kanyang team. Sinabi naman ng SBP na susuportahan nila si
AJ Edu, at gagawin ang lahat para matulungan ito. Subukin ng mga Pinoy na makakuha ng kahit
isang panalo sa pagsabak nila kontra world number 4 na Serbia sa knockout phase. Nagtapos ang Russians na 2nd place sa Group
C sa kartadang two win and one loss record at haharapin ang China sa Round of 16. Number one naman ang Argentina at number three
naman ang Greece. Lahat ng teams mula sa preliminaries ay aabante
sa knockout round of 16, kaya uusad pa rin ang mga Pinoy. Malalag­lag sa classification phase ang matatalo
sa round of 16, pasok sa quarterfinals ang mga mananalo. Nasa mahirap man na sitwasyon ngayon si AJ
Edu, ginagawa niya parin ang lahat para suportahan ang national team atmalaki parin ang tiwala
niya sa mga team mate niya. Sana nga ay agad gumaling ang injury ni AJ
Edu at sana ay makabalik agad siya sa National team. Manalo o matalo man ay marami paring sumusuporta
sa kanila, at siguradong magandang exposure din ito para masanay na sila sa international
basketball gaya ng world cup.

37 thoughts on “AJ Edu MALUNGKOT at DISMAYADO sa sarili dahil sa INJURY

  1. OK LANG YAN AJ EDU!!! MAEK YOUR COMEBACK THE GREATEST 🙂 KUNG SA TOURNAMENT NATO DI KA NAKA PAG PASIKAT … MAGPASIKAT KA SA NBA !! 🙂

  2. that ok brother, you have plenty of time to play, just focus on recovery.. kudos to your heart, at thank you for giving your all to our nation.

  3. This is really saddening 😢 kita mo talaga how he is willing to represent his nation he really loves the country to think that he has been preparing and is so excited to represent the Philippines in this stage and got injured at the 1st two minutes of the competition i can only imagine the emotional impact it got him hope this will not effect his play and his morale ok lang yan AJ you’ll be better and come back stronger i’m sure of that

  4. Edu all things happened for a purpose, dont lost hope instead pray and He'll give you the desire of your heart ok. Get well soon

  5. I admire your dedication and love for our country. Unluckily you suffer injury. Everything happen for a reason. Dont give up, our Almighty will give bright future ahead of you. I pray for your immediate recovery.

  6. OK lng yan aj their are more tournament all our prayers is for your fast recovery ❤️❤️❤️🤗🤗🤗

  7. Temporary lang yan edu .u are still young..101% u wll b as strong as ever.maintime take care of yourself.thanks for representing our country.

  8. A CURIOUS ONLOOKER WATCHING YE FRAE AFAR WISHING YE GOO LUCK AND EUDAEMONIA. ARMANI JEANS EDU YOUR TEARS IS MY SADNESS YOUR JOY IS MY HAPPINESS. GET WELL SOON IDOL. GOD BLESS YOU AND YOUR FAMILY.

  9. No…worrries, edu…get well soon, i pray, you recovered, queckly…god knows., and help you..that you comin back soon… take care of youre, health…pilipinos funs always pray for you……

  10. That's ok…pray for ur immediate recovery..tnx for representing our country by heart…hope don't change and be humble always…kudos…

  11. dong AJ please get over that sad and disappointed mode look at furure…its still very bright we will fight our next battle just work hard dong i will always pray for you ….God bless you aleays

  12. "VERY DISSAPOINTING"..yung tinambakan niyo yung QATAR sa tune up….tas wala sila maipanalo sa world cup…

  13. AJ find girl friends there are beautiful pilipinas, intillegent, tall volleyball players…they will help you recover fast..even if its long distance relationship..gogogo boy

  14. Wala yan si EDU hindi pa sikat injury na agad maaga ka mag retired hindi pa sikat malalaos na agad… mga bano nmn gilas na yan sayang lang buget sa inyu… bano bano bano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *